^

Pang Movies

Regalo ni Gerald kay Julia, pinagkakaguluhan sa social media

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regalo ni Gerald kay Julia, pinagkakaguluhan sa social media
Julia

For her 27th birthday, isang mamahaling regalo ang natanggap ni Julia Barretto mula sa boyfriend na si Gerald Anderson.

Pinapipiyestahan ngayon sa social media ang video and photos na ipinost ni Ruffa Gutierrez sa Instagram kung saan ay makikitang dumalo siya sa birthday dinner ni Julia.

Mapapanood sa larawan at video na binubuksan ni Julia ang red box na birthday gift mula kay Gerald. Ayon kay Ruffa, Cartier daw ang laman ng kahon na hindi na ipinakita kung jewelry ba or watch.

“Surprise!! Cartier gift from @andersongeraldjr to the birthday girl, @juliabarretto,” caption ni Ruffa.

Sa video ay makikitang tuwang-tuwang si Julia sa gift ng boyfriend. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap at hinalikan.

Masayang-masaya rin si Gerald na makitang happy ang girlfriend.

Caption ni Ruffa sa video, “awwwww!! @juliabarretto @andersongeraldjr love is in the air!! Happy birthday Jules!!”

Sa isang video naman na ipinost ni Ruffa ay makikitang kinakantahan nila si Julia bago i-blow ang candles ng cakes.

“Happy 27th @juliabarretto stay beautiful both inside and out. May all your dreams come true. Love you!!” ang birthday message ni Ruffa kay Julia.

Sa isa pang video ay makikita namang present din sa birthday dinner si Iza Calzado kasama ang anak na si Deia. Naroroon din of course ang mommy ni Julia na si Marjorie Barretto.

Sa IG post ni Gerald ay simple lang ang pagbati niya sa GF. Aniya, “HBD PARTNER.”

Julia celebrated her 27th birthday last March 10, 3 days matapos naman ang ika-35 na kaarawan ni Gerald.

Andrea, sa yate nag-birthday kasama si Kyle

Ngayong araw (March 12) ang kaarawan ni Andrea Brillantes pero nagkaroon na siya ng advance birthday party kamakailan na ginanap sa isang yate.

Present ang malalapit na kaibigan ng aktres sa nasabing party at kabilang na rito ang ka-loveteam na si Kyle Echarri.

Makikita sa social media ang ilang kaganapan sa birthday celebration ni Blythe kung saan ay mistulang prinsesa ang aktres sa kanyang pink dress with matching crown and sash pa.

Ang mga female guests naman ay nakasuot ng white dress habang ang mga boys ay white polo ang suot including Kyle.

Punung-puno ng pink balloons naman ang buong yate.

Kilig na kilig ang mga KyleDrea fans sa mga videos lalo na nga nang makitang aligagang-aligaga si Kyle sa pagkuha ng photos and videos ni Andrea.

Hinala ng KyleDrea fans ay may something nang namamagitan kina Kyle at Andrea kaya naman super-kilig sila at viral na ngayon ang mga videos nila sa bday party.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with