^

Pang Movies

JM at Donnalyn, inamin na ang relasyon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JM at Donnalyn, inamin na ang relasyon
Donnalyn at JM

Kinilig ang netizens sa ipinost ni JM de Guzman na larawan nila ni Donnalyn Bartolome na nakasuot pangkasal.

Caption ng aktor, “how i wish i see you walk down the aisle.
@donna .:).”

Sa unang tingin ay tila sila ang ikakasal pero ob­viously ay dumalo lang sila sa isang kasalan.

Nagkagulo ang netizens sa naturang post at ang daming nagtanong kung sila na ba. Sey pa nila, bagay na bagay raw ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga comments:

-       “kayo na ba???? please nmn kayo nlng plssssss” 

-       “Sana nga totoong kayo na”

-       “Huyyy kayo na? Sana nga” 

-       “Huy you twooooo @donna”

-       “may nanalo na. opisyal naaa”

-       “Wow! So happy for you JM you found the one” 

-       “Jusko di aq mkhinga sa kilig... bagay na bagay talaga”

-      “Sila na yan” 

Matatandaang last year ay sinabi ni JM na isang taon na raw siyang nanliligaw kay Donnalyn. Mukha namang nagbubunga na (o nagbunga na?) ang panunuyo ng aktor though wala pang update mula sa kanila kung ano na ba ang estado ng relasyon nila ngayon.

Kyla, naka-limang miscarriage na!

Kyla revealed na nagkaroon na naman siya ng another miscarriage kamakailan.

Ipinagtapat ito ng singer sa Magandang Buhay guesting nila ng asawang si Rich Alvarez. Aniya, December, 2023 lang nangyari ang kanyang last miscarriage.

“For us ‘yung biggest challenge would be giving Toby a sibling. We’ve been struggling for years and years and years. It’s been really hard, especially very recent lang ‘yung sa amin eh. Just before Christmas actually I suffered another one. ‘Yun ‘yung bigest challenge,” sabi ni Kyla.

Pang-limang miscarriage na ito ng singer since 2018 pero nagpapasalamat pa rin siya dahil at least ay nabigyan na rin naman sila ng anak, si Toby na 10 years old na ngayon.

“I am also very grateful and thankful kasi at least nabigyan kami ng isa at kung madadagdagan pa, bonus na lang ‘yon,” she said.

Nagpapasalamat din siya kay Lord na si Rich ang ibinigay sa kanyang asawa.

“Kaya siguro siya rin ang ibinigay sa akin ni Lord – si Rich – kasi I don’t think anyone would love me like the way he loves me or ever will love me. Parang feeling ko mahirap kasi akong mahalin. Siya lang talaga ‘yung magmamahal sa akin ng ganito. So I am just really thankful,” saad ni Kyla.

vuukle comment

DONNALYN BARTOLOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with