^

Pang Movies

Ryan, laging bitbit ang GF!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ryan, laging bitbit ang GF!
Ryan at Paola

Ipinakilala na sa madlang pipol at sa kanyang mga kasamahan sa programa ni Ryan Bang (32) ang non-showbiz girlfriend na si Paola Grace Huyong na ang family name ay tunog Korean.

Nauna nang naipakilala ni Ryan sa kanyang parents in South Korea ang kanyang nobya gayundin si Ryan sa pamilya ni Paola.

 Si Vice Ganda na nanay-nanayan ni Ryan ang unang nakaalam sa girlfriend niya bago niya ito ipinaalam sa iba niyang katrabaho.

Inspired ngayon si Ryan sa pagpapatakbo ng ilan nitong negosyo dahil sa kanyang Filipina girlfriend na tiyak na makakatulong sa kanyang mga itinayong business na ang pinakabago ay ang isang Korean Restaurant, ang Paldo na hango sa walong probinsya ng South Korea.

Ang Paldo ay pang-apat na business na bale ni Ryan.  Nauna rito ang isang hair salon, ang Moridu Art at dalawa pang Korean restaurants.

Kahit pure Korean si Ryan, aminado siya na siya’y may pusong Pinoy.

Kim at Paulo, totohanan na?!

Is there something special going on sa pagitan ng Linlang lead stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino?

May balitang lumalabas na nagkakamabutihan umano ang dalawa na pareho nang hiwalay sa kanilang respective (ex) partners na sina Xian Lim at Janine Gutierrez.

Sina Kim at Paulo ay muling magkatambal sa local adaptation ng hit Korean series na What’s Wrong with Secretary Kim na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan. Ito’y pinamamahalaan ni Chad Vidanes.

vuukle comment

RYAN BANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with