^

Pang Movies

Kasal nina Luis at Jessy, ‘di pinalampas ni Sec. Ralph!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasal nina Luis at Jessy, �di pinalampas ni Sec. Ralph!
Jessy

Kailangan daw iurong ni Secretary Ralph Recto ang kanyang meeting sa Department of Finance noong Feb. 14 dahil kahapon ang kasal sa simbahan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Actually nakakatuwa naman sila, nagpakasal na sila noon at legal naman ang kanilang pagsasama, may anak na rin naman sila, pero hindi nila pinalampas ang pagkakataong maikasal sa simbahan.

Kahapon naman sinasabing nagkaroon ng renewal of vows sina Senator Chiz Escudero at ang misis niyang si Heart Evangelista. Kinasal na rin sila, pero noon may hindi pagkakaintindihan ang kanilang mga pamilya, kaya ikinasal silang wala ang mga magulang ni Heart.

Ngayon nga namang nagkakasundo na ang lahat, magandang ulitin talaga ang kanilang kasal, iyong naroroon na at nagkakasundo ang lahat. Isa pa, hindi ba noong nakaraang taon lang matindi ang tsismis na maghihiwalay na silang dalawa.

Ikinatutuwa namin ang mga artistang nagpapakasal.

Sa panahong ito marami ang nagsasabing ang kasal ay kapirasong papel na lamang at hindi na mahalaga.

Sunshine, ayaw ilantad ang love life

“Family and friends” lang daw ang ang bumuo ng Valentine’s day ni Sunshine Cruz. Iba nga ngayon si Sunshine dahil tahimik na ang kanyang love life, wala nga siyang sinasabing love life niya ngayon kahit nali-link siya sa negosyanteng mayaman.

Dalawang beses na nga namang naudlot eh. Una nagkahiwalay sila ng kanyang dating asawang si Cesar Montano, tapos nagkaroon siya ng boyfriend ulit na akala niya ay makakatuluyan na niya pero nagkaoon din sila ng problema at nag-split din sila.

Kaya nga pagkatapos noon, ang sinasabi ni Sunshine magpapalipas muna siya ng panahon bago haraping muli ang kanyang love life.

So ito na kaya ang tamang panahon?

Hindi naman siguro masasabing maiiwan na siya ng huling biyahe, after all may mga anak na rin naman siya.

Siguro nga kung mag-aasawa siya ngayon, iyon ay para matiyak na lang na may makakasama siya hanggang sa pagtanda niya, kaya kailangang maging maingat siya, iyong siguradong makakasundo na niya sa habang buhay.

Markki, susubok sa Mr. Universe

Ang singer na si Markki Stroem ang kakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na Mr. Universe contest.

Si Markki nga ang kanilang napili dahil sa tingin nila ay malaki ang kanyang chance na manalo.

Pero may nagkokomento na ang pagsali raw ni Markki sa Mr. Universe ay wala nang ipinagkaiba sa mga nagiging kandidata natin sa Miss Universe, dahil si Markki nga ay may dugong dayuhan at ang apelyido lamang niyang Stroem ay hindi naman Pilipino, pero kung tinanggap nga natin sa mga babae sina Catriona Gray at si Pia Wurtzbach, ano ang kaibahan ni Markki Stroem?

Pero mukhang palaban talaga si Markki ha, makikita mo naman ang kanyang sexy pictures na naglalabasan sa social media.

Online marites, kumambyo!

Panay ang iwas ng isang online marites na binanggit daw niya ang pangalan ng isang politician at sinabi niyang iyon ang lover ng isang male star na kaka-break lang sa kanyang girlfriend.

Kaya naman pala biglang kambiyo ang nagtatapang-tapangang online marites ay dahil nagbanta na ang politician na magsasampa ng demanda sa walang katotohanang tsismis.

Mukha ring napika na ang dating male star at nagsabi ring nakahanda siyang magsampa ng demanda. Aba siyempre naman natakot ang online marites, dahil talaga namang matindi rin ang cyber libel. 

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with