^

Pang Movies

Gabbi, pinalitan sa serye nina Carla at Bea!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gabbi, pinalitan sa serye nina Carla at Bea!
Gabbi Garcia

Nabago ang cast ng Widows’ War kesa unang nabalita dahil hindi na kasali si Gabbi Garcia at ang ipinalit sa role niya ay si Jean Garcia. Wala pang binabanggit ang GMA kung bakit naalis sa cast si Gabbi, pero nag-agree ang fans na mas bagay si Jean makasama nina Carla Abellana at Bea Alonzo.

Mas sakto raw makipagbardagulan si Jean kina Carla at Bea dahil mas beterana ito at mas malapit ang edad sa dalawang aktres. Hindi rin naman maiitsa puwera si Gabbi dahil kasama siya sa cast ng Sang’gre at siguradong bibigyan pa siya ng ibang project ng GMA.

Saka, marami siyang ganap, hindi siya mawawala sa eksena kahit tinanggal siya sa Widows’ War, ‘yun nga lang, sayang ang chance na makasama niya at makaeksena si Bea na pinapangarap makatrabaho ng Kapuso stars.

Kasama na rin sa cast si Tonton Gutierrez at Lovely Rivero at may special participation si Benjamin Alves.

Jo, tutulungan si Nora

Pinost ni Jo Berry sa kanyang Instagram ang photo nila ni Nora Aunor at may caption na “Reunited with my OG Nanay! From Onanay 2018-2019 Onay and Nanay Nelia to Lilet Matias Attorney at Law 2024 Atty. Lilet Matias and Nanay Chato.”

Muling magkakasama sina Jo at Nora sa Lilet Matias Attorney at Law dahil maggi-guest si Nora. Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa Onanay sa role ng mag-ina, dito sa Lilet Matias, hindi sila mag-ina. Lawyer si Jo ng karakter ni Nora na may mangyayari kaya kinailangan ng abogado.

Kasama rin sa reunion nila si Mikee Quintos na gumanap na anak ni Jo sa Onanay, at dito, sina Nora at Mikee ang mag-ina.

Ang Lilet Matias ang makakapalit sa Abot-Kamay na Pangarap kapag nagtapos na. Kaya lang, wala pa yatang balak ang GMA 7 na tapusin ang series na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel dahil patuloy na pinanood at mataas pa rin ang ratings.

Kylie, nag-jowa reveal

May slight identity reveal na sa boyfriend ni Kylie Padilla dahil sa convo nila ng celebrity coach na si Francis Simon na brother pala ng boyfriend ni Kylie. Magkatabi sina Kylie at Coach Franicis habang nag-uusap.

Sabi ni Coach Francis, “Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat; nagtatalo sila e. Sino ba ‘yung kasama mo sa mall, ‘yung nakaputi, long hair?”

Sagot ni Kylie, “Ah, ‘yun ba? ‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” sagot ni Kyle.

Tanong uli ni Coach Francis, “Kilala ko ba ‘yun?”at ang sagot ni Kylie, “Ay, parang kilala mo kuya, parang kamukha mo nga eh. Sagot uli ni Coach Francis, “Ganun ba? O ayan na nga, alam n’yo na kung sino ‘yun ha. See you.”

Walang binanggit na pangalan sina Kylie at ang brother ng boyfriend niya, kaya ang netizens na ang nag-supply ng info. Jinno John Simon ang name nito at isa siyang tattoo artist. Siya ang nakitang kasama ni Kylie sa isang mall na nagsa-shopping, nakunan sila ng video, pero nakatagilid kaya hindi malinaw ang mukha.

 

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with