^

Pang Movies

Dating taga-media na nawalan ng trabaho, tagumpay ngayon sa negosyong cheese pimiento

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupunta si Karen Davila sa Santa Maria, Bulacan para bisitahin ang isang poultry at crayfish farm na viral ngayon sa social media at para malaman kung paano ito naging kumikitang kabuhayan ng isang dating IT at crypto miner sa My Puhunan ngayong Sabado (Enero 13).

Nang humina ang crypto trading ni Joseph, nagdesisyon siyang mag-farming gamit ang bakanteng lote ng pamilya. Ngayon, nakahanap ng kaligayahan at tagumpay si Joseph sa kanyang Sesep’s Farm, kung saan nagbebenta siya ng manok, hito, at lobsters. Maging sa kanyang social media madalas trending ang kanyang “bukid life” updates sa kanyang farm na umaabot ng milyong views.

Samantala, kikilalanin naman ni Migs Bustos si Corrs Ebora-Valenton, isang dating media worker na ngayon ay isang business owner dahil sa pagbebenta ng kanyang paboritong cheese pimiento. Ilan sa kanyang customers ay sina Piolo Pascual, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Alex Gonzaga na nagpalakas sa Corrsy’s Kitchen sa social media. Ngayon, may iba’t ibang produkto na rin si Corrs na handog sa publiko tulad ng peach mango, ube, guava, kimchi, gourmet tuyo, suka, bucheron, at iba pa.

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa My Puhunan: Kaya Mo! kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.

Makiling, tinutukan ng viewers

Bagong taon, bagong pasabog sa hapon ang hatid ng GMA Public Affairs sa bago nitong revenge drama series na Makiling na nag-umpi­sang ipalabas nitong Lunes, Jan. 8. Pilot episode pa lang, talaga namang pumatok, kinaaliwan, at tinutukan na ng viewers.

Bumungad sa mga manonood ang intense scenes ng paghahabol ng mga bandido kay Amira (Elle Villanueva) para makuha ang bulaklak na Mutya na pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng anumang sugat. Komento nga ng ilang viewers, tiyak lalo pang magiging intense ang mga kaganapan na magpapainit sa mga hapon nila ngayong ipinapakilala na ang iba pang cast.

Tiyak na abang na abang din sila sa magiging role ni Derrick Monasterio kasama na rin ng iba pang nagbibigatang artista. Pahulaan pa kung sino ang gaganap ng Makiling kaya naman abangers na rin ang viewers!

Kaya’t ‘wag pahuhuli at saksihan ang kuwento ng matinding pang-aapi na tatapatan ng sukdulang paghihiganti sa GMA Afternoon Prime, 4 p.m., Lunes hanggang Biyernes.

Gen Z stars, kailangan sa Zoomers

Bagong taon at bagong batch ng Gen Z stars ang mabibigyan ng oportunidad makilala ng manonood sa Zoomers na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TFC, at TV5 simula Lunes (Enero 15).

Sa Zoomers, susuriin at kikilatisin nina ABS-CBN Star Magic at TV production head Laurenti Dyogi na kilala bilang star maker at dating jury sa Star Circle Quest, blockbuster director Theodore Boborol, at He’s Into Her director Chad Vidanes ang bawat teen star para malaman kung sino ang perfect na bumida sa pinakabagong youth oriented show ng ABS-CBN na may kaparehas nitong titulo.

Ibinahagi ni Direk Lauren kung ano ang layunin nang nasabing auditions pati na ang kanyang mga hinahanap sa mga artistang susubok, “Ang importante sa atin is makuha ‘yung authentic. Sana ‘yung persona at essence nung karakter at nung tao mag-match.”

Sa unang pasabog ng ABS-CBN ngayong 2024, lakas loob na tinanggap ng teen stars na sina Harvey Bautista, Criza Taa, Analain Salvador, Ashton Salvador, at Luke Alford ang hamon para mag-audition sa roles ng main characters ng Zoomers na sina Jiggs, Hope, Kokoy, Atom, at Tania.

Susubukan din ng ilang Star Magic artists na sina Ralph de Leon, Krystl Ball, Erika Davis, Luis Vera Perez, Kei Kurosawa, Hadiyah Santos, Redd Arcega, Noelle Martinex, Reich Alim pati na ang ilang ex-Dream Chasers na sina Jay-R Albino, Matthew Cruz, Omar Udin na makuha ang loob nina Direk Lauren, Direk Ted, at Direk Chad para makapasok sa bagong youth oriented series.

vuukle comment

KAREN DAVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with