^

Pang Movies

Piolo at Dingdong, tuhog sa Pasko

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa Saturday na, Dec. 16, ang Parada ng mga Bituin ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magaganap sa CaMaNaVa (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, na magsisimula sa Navotas Centennial Park, tutuloy ito ng C4, Samson Road, at McArthur Highway patungong Valenzuela People’s Park.

Ang tanong ng netizens, saan kayang float sasakay ang tulad nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes na dalawa ang entries sa festival? May special participation si Piolo Pascual sa GomBurZa, pero bida naman at title-roller siya sa supernatural horror thriller na Mallari.

May special participation din si Dingdong Dantes sa Firefly ng GMA Pictures, pero tiyak na sa float ng Rewind siya sasakay dahil sila ng wifey niyang si Marian Rivera ang mga bida sa movie na isa rin siya sa producers.

Bukod kina Piolo at Dingdong, marami pa ring artista na may dalawa ding movies na kalahok sa festival.

Magiging masaya tiyak ang netizens na madadaanan ang kanilang lugar ng parade dahil sabi’y almost eight  kilometers ang haba nito na pwede raw magtagal ng walong oras.

Ysabel at Miguel, exclusive na sa isa’t isa!

Isa ang magka-loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ng Firefly sa excited sa festival dahil ngayon lamang daw nila mapi-feel ang saya ng MMFF. Nag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda at doon na pinaamin ni Boy ang totong relasyon ng magka-loveteam.  Naging open naman ang dalawa sa tunay nilang relasyon at inamin din ng young actress kung paano siya napapasaya ni Miguel: “Siguro ‘yung patience niya. Kasi, halos araw-araw ay magkasama kami. Even kapag hindi kami magkasaama, lagi niya akong kinakausap at palagi akong nagsasabi sa kanya tungkol sa mga problema ko.  Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat.”

Pagtatapat din ng dalawa, higit pa sa magka-loveteam o magkaibigan ang turingan nila dahil “exclusively dating” na sila.

Ayon kay Ysabel hindi nanliligaw sa iba si Miguel at siya naman ay hindi rin nagpapaligaw sa iba.

Ayon naman kay Miguel, napag-usapan na nila, na hindi sila magmamadali, like sa ngayon may business nang itinayo si Ysabel at siya naman ay may film school. Alam daw nilang kapag nagmadali sila sa isang relasyon ay pwedeng masayang ang magandang bagay na nasimulan na nila.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with