Pinoy designers, nangabog sa Miss U!
Bumida ang maraming Pinoy designers sa nakaraang Miss Universe 2023. Patunay lang na world-class ang gawa ng ating mga kababayan at in-demand sila sa iba’t ibang international pageants.
Si Mark Bumgarner na nag-design ng Apo Whang-Od-inspired evening gown ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee.
Si Rian Fernandez ang gumawa ng gown ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel noong mag-host ito sa preliminary event at sa final walk nito as Miss Universe. Samantalang si Larry Espinosa ang gumawa ng gown ni R’Bonney noong mag-host ito ng National Costume segment.
Aklan-based designer Carla Fuentes ang gumawa ng evening gown ni Miss Universe Bahrain Lujane Yacoub.
Dubai-based Pinoy designer Furne One ang nagdisenyo ng gold gown ni Miss Universe Egypt, Mohra Tantawyn. Siya rin nagdamit sa first-ever Miss Universe candidate ng Pakistan na si Erica Robin.
Laguna-based designer Louis Pangilinan ang nagdisenyo ng evening gown ni Miss Universe Malta Ella Portelli.
Si Boogie Musni of Misamis Oriental ang nagdamit kay Miss Universe Mauritius Tatiana Beauharnais.
Sina Anthony Ramirez at Jo Rubio naman ang nagdamit kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pag-anchor host nito ng event.
Chariz, maraming natutunan kay Bitoy
Thankful ang Kapuso comedians na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon dahil napabilang sila sa 28th anniversary ng longest-running gag show on Philippine Television na Bubble Gang.
Kung noon daw ay hanggang TV lang at pinapanood at nakikitawa, ngayon ay dream come true kay Betong na nagpapatawa siya sa Bubble Gang.
Si Chariz ay noong 2010 pa naging parte ng Bubble Gang at marami siyang natutunan sa pagpapatawa sa show dahil kay Michael V. na katrabaho rin niya sa Pepito Manaloto.
Jeremy Renner, naka-recover na sa aksidente
Nag-celebrate ng kanyang 10-month recovery ang Marvel actor na si Jeremy Renner pagkatapos ng kanyang near-fatal accident noong January.
Pinost nito on social media ang pag-skip niya sa isang steep driveway pagkatapos ng kanyang morning jog. “Today marks the day on 10 months of recovery. First attempt at any of this activity (especially at steep grade) and was brought to tears of joy, hopefulness, and gratitude for all your support along with my family and friends?. I keep pushing for many reasons, but you are my fuel #loveandtitanium.
Nasagasaan si Renner ng isang snowplow sa Reno, Nevada noong January pagkatapos nitong iligtas ang kanyang pamangkin. Nalagay sa critical condition ang aktor at nagtamo ito ng 30 broken bones.
Kaya isang milagro na buhay si Renner at nakakalakad na ito nang maayos na parang walang nangyari sa kanya.
- Latest