^

Pang Movies

Toni, binu-bully ng fans sa pagbalik sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Toni, binu-bully ng fans sa pagbalik sa Kapamilya
Toni

May pagbabantang ibo-boycott ng ilang Kapamilya fans ang mga show na gagawin o iho-host ni Toni Gonzaga kapag kinuha raw uli siya ng ABS-CBN. Nabalita kasing babalik sa ABS-CBN si Toni at babalik sa pagho-host ng Pinoy Big Brother   o PBB.

Kung totoo man daw na ibabalik ang PBB, si Bianca Gonzales na ang gawing main host at marami silang pagpipiliang talents na puwedeng maging co-host ni Bianca.

May nag-comment pa na unfair sa loyal Kapamilya talents na tumindig at nanindigan lalo na nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN kapag kinuha pa nila uli si Toni.

  May kapwa Kapamilya fan na nagpaalala sa mga nag-react na kumalma muna dahil unconfirmed pa ang balitang ito na totoo naman. Wala pang official announcement ang ABS-CBN at nagkakagulo at maingay na.

  In fairness, hindi naman lahat ayaw na bumalik sa ABS-CBN si Toni, may mga nagpahayag ng tuwa dahil nami-miss na nilang mapanood ang mister ni Direk Paul Soriano.

Coco at Julia, super PDA sa Italy

  Sa mga video ng bakasyon nina Coco Martin at Julia Montes sa Italy, makikitang lagi silang holding hands na ikinatuwa ng kanilang fans. Kailangan daw palang nasa ibang bansa ang dalawa para libre silang mag-slight PDA dahil walang fans na magkakagulo.

Comment pa ng fans, para bang sinusulit nina Coco at Julia ang mga panahong magkasama sila in public dahil hindi nila ito magagawa rito.

 Naalala namin ang eksena sa Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na pagpasok pa lang nila sa MOA, marami na ang nakasunod sa kanila. Hanggang sa upuan, may mga camera na nakatutok, kaya recorded ang paghilig ng ulo ni Julia sa balikat ni Coco.

  After the concert, sumugod ang fans sa kanilang puwesto at para silang may mall show sa pagkakagulo ng fans. Nahirapan silang makalabas ng MOA sa rami ng tao sa kanilang paligid.

  Anyway, ang sabi, kasama sina Coco at Julia sa grupo ni Deo Endrinal at mga taga-Dreamscape na noong birthday ni Deo ay lumipad pa-Italy para nga magbakasyon.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with