^

Pang Movies

Diana, babalikan ang showbiz

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa cellphone na may camera kaya napapayag noon si Diana Zubiri na mag-pose na naka-bikini sa EDSA-Ortigas flyover para sa FHM Magazine noong 2002.

Binalikan ng former Seiko Film sexy star ang chapter na iyon ng kanyang buhay-artista.

“Noong time na ‘yan lumabas ‘yung bagong model ng cellphone, ‘yung unang-unang may camera, Nokia ‘yun. Artista na ako wala akong cellphone, nakiki-text lang ako sa ate ko kapag may mga call time. Mali pala ‘yung hiniling ko, cellphone lang,” natatawang pagbalik-tanaw ni Diana sa Fast Talk with Boy Abunda.

Gumawa ng ilang sexy movies si Diana tulad ng Bakat, Itlog, Kasiping, Silip at Liberated. Inamin niya na hindi siya naging masaya sa paggawa ng mga pelikulang iyon.

Sa Australia na siya naka-base kasama ang kanyang buong pamilya. Bumabalik lang daw siya sa Pilipinas kapag may gagawing project.

Rayver, iiwan muna si Julie para kay Jasmine

For a change, si Jasmine Curtis-Smith ang makakatambal ni Rayver Cruz sa teleserye na Asawa Ng Asawa Ko.

Maiintindihan naman daw ng JulieVer fans kung bakit hindi si Julie Anne San Jose ang partner niya sa teleserye. Kakagawa lang daw kasi nila ng movie at magkasama sila sa All-Out Sundays at sa iba pang regional shows. Susuportahan pa rin daw siya ng fans nila ni Julie.

Ang iba pang kasama sa teleserye ay sina Martin del Rosario, Liezel Lopez, Joem Bascon, Gina Alajar, Kim de Leon, Patricia Coma, Luis Hontiveros, Crystal Paras, Jennifer Maravilla, Bruce Roeland, Billie Hakenson, at Kzhoebe Nichole Baker.

Kill Bill singer SZA, may pinakamaraming nominasyon sa Grammy!

Ang Kill Bill singer na si SZA ang nakakuha ang pinakamaraming nominations sa 67th Grammy Award na magaganap sa Crypto.com Arena in Los Angeles on Feb. 4, 2024.

Nakakuha ng 9 nominations si SZA. Ang co-nominees niya na sina Phoebe Bridgers, Serban Ghenea and Victoria Monét ay may seven nominations samantalang tig-6 nominations naman sina Jack Antonoff, Jon Batiste, boygenius, Brandy Clark, Miley Cyrus, Billie Eilish, Olivia Rodrigo and Taylor Swift.

Kung manalo si Taylor sa naturang category for her Midnights album, she will become the first artist to win album of the year four times.

The 67th Grammy Awards, will air live on the CBS Television Network and will stream on Paramount+.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with