^

Pang Movies

Madramang aktres, mas masaya sa piling ng kapwa babae!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balik pala sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae ang madramang aktres na ito.

Huling nakarelasyon ni aktres ay isang male starlet at ilang taon din sila nagtagal. Pero tila na-bore raw si aktres kaya may-I-return siya sa babae.

Ayon sa aming source, hindi raw natsa-challenge si aktres sa karelasyong lalake.

Ilan beses daw niyang ginawa iyon at napu-frustrate raw siya. ‘Di niya mai-express ang sarili kapag lalake ang kasama niya. Kaya noong maghiwalay sila, hanap agad ng female partner si aktres.

Ang hindi pa lang daw magawa ni aktres ay ang mag-out in public.

Naiinggit nga raw siya sa mga open na sa kanilang relasyon sa kapwa babae.

Pero ‘di raw ito basta-basta magagawa ni aktres dahil may mga hindi matatanggap ang tunay niyang pagkatao at mahalaga ang mga taong ito sa aktres.

Kaya discreet sila ng kanyang partner ngayon at wala silang pinu-post na photos nila together on social media.

Britney Spears, 21 years old na sana ang pina-abort na anak

Pasabog ang naging reveal ng ‘90s pop icon na si Britney Spears sa tinago niyang sikreto for 20 years.

Ni-reveal ni Britney sa kanyang memoir na The Woman in Me na nabuntis siya noon ni Justin Timberlake at pina-abort niya ito.

Ayon sa 41-year-old singer, nagawa raw niyang ipalaglag ang baby dahil iyon daw ang gustong mangyari ni Justin.

Kung tinuloy raw ng singer ang pagbubuntis, meron na sana silang 21-year-old na anak ni Justin.

“But Justin definitely wasn’t happy about the pregnancy. He said we weren’t ready to have a baby in our lives, that we were way too young,” pagkakasulat ni Britney sa pinaka-depressing na chapter ng buhay niya.

Wala pang sagot si Justin sa ni-reveal na ito ni Britney sa kanyang libro.

Seventeen lang daw si Britney at 18 naman si Justin noong magkaroon sila ng relasyon in 2002. Naghiwalay rin sila noong taong iyon.

Ngayon ay may dalawang anak na si Britney mula sa ex-husband na si Kevin Federline. Si Justin ay dalawa rin ang anak sa aktres na si Jessica Biel.

Kristoffer, may pinatunayan kay Paul

Napatunayan ni Kristoffer Martin na isa siyang tunay na kaibigan. Na maaasahan kahit sa anong oras.

Na-prank si Kristoffer ni Paul Salas sa The Boobay And Tekla Show. Ang eksena ay kunwari may nabangga si Paul na sasakyan at kailangan niya ng P50,000 para maareglo sa nakabangga niya.

Hindi nag-atubili si Kristoffer na pahiramin si Paul agad-agad ng gano’ng kalaking halaga. Concern pa ng aktor kung okey ba sila ni Mikee Quintos at pupuntahan niya ang mga ito.

Noong sinabing prank call iyon, nakahinga nang maluwag si Kristoffer dahil walang aksidenteng nangyari sa mga kaibigan niya.

Isa pala si Kristoffer sa dumalo sa red carpet premiere ng Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes.

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with