^

Pang Movies

Rob Gomez, hanggang social media lang ang paghingi ng tawad sa ina ng anak!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rob Gomez, hanggang social media lang ang paghingi ng tawad sa ina ng anak!
Rob Gomez at anak

Panay ang post ni Rob Gomez sa Instagram ng photos nila ng kanyang baby girl na si Amelia. Nilagyan pa ito ng Magandang Dilag actor na caption na “Imy” na ang ibig sabihin ay “I miss you”.

Obvious na hindi pa rin naaayos ni Rob ang nasirang relasyon nito sa ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera.

Nauwi sa hindi magandang paghihiwalay ang dalawa pagkatapos na i-reveal ng former Miss Multinational Philippines 2021 na meron na silang anak ni Rob. Pinost sa social media account ng kaibigan ni Shaila ang mga pasa sa braso na natamo nito mula sa aktor ilang araw pagkatapos malaman ng publiko na hindi na pala single and available si Rob.

Kung hindi pa raw nag-alsa balutan si Shaila at dinala nito ang anak, hindi raw magagawang aminin ni Rob ang tunay ng status niya sa buhay. Nabanggit nga ni Shaila na matagal daw siyang nanahimik at sumunod sa gusto ni Rob at sa ina nitong si Kate Gomez. Ngayon daw ay gagawin na niya ang gusto niya para maging magandang example siya sa ibang kababaihan at sa anak nila ni Rob na si Amelia.

Ginawa naman daw ni Rob ang mag-apologize sa social media.

Pero ang tanong ng netizens ay kung may ginagawa nga ba talaga si Rob para mapatawad siya ni Shaila o dinadaan lang niya sa pag-post sa social media ang lahat para makuha ng public sympathy?

Sa ngayon ay nananatiling naka-private ang Instagram account ni Shaila kaya walang makuha update tungkol sa kanya.

Gomburza, ipakikilala ni Piolo

Pinalabas na online ang one-minute trailer clip ng inaabangan na historical film na GomBurZa na bida si Piolo Pascual.

Sa trailer nito, naroon na ang sense of nationalism na naramdaman sa ibang historical films tulad ng kay Dr. Jose Rizal, Heneral Luna, at iba pa.

Makakatulong ang pelikulang ito para sa mga kabataan ngayon na hindi alam ang ibig sabihin ng GomBurZa.

Sa totoo lang, kulang sa knowledge in Philippine history ang Gen Z ngayon dahil mas abala sila sa paggawa ng content videos para sa Tiktok. Kapag tinanong sila kung sino ang tatlong pari na tinawag na GomBurZa, nakanganga lang sila at ngingiti dahil hindi nila alam ang isasagot.

Noong 1872 napatawan ng kamata­yan ng Spanish authorities sina Mariano Gomes, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote.

Pinatawan sila ng public execution dahil sa ikinaso sa kanila na pag-orchestrate ng Cavite Mutiny at sa mga kasong treason and sedition na mapapanood sa pelikula ni Piolo

vuukle comment

ROB GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with