^

Pang Movies

Ricardo, may warrant din sa bouncing check  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa totoo lang, naawa naman kami kay Ricardo Cepeda nang makapanayam ng 24 Oras last Tuesday. Kitang-kita sa aktor ang lungkot sa kanyang sinapit na aniya’y hindi raw niya talaga inakala na mangyayari.

Halata rin na apektadong-apektado siya sa nangyari at parang wala pa ngang tulog.

Kasalukuyang nakakulong ang aktor sa Quezon City Police District Camp Karingal matapos siyang arestuhin noong Sabado ng mga operatiba ng QCPD at Criminal Investigaton and Detection Unit (CIDU) sa Caloocan City dahil sa kasong syndicated estafa. Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.

Ayon kay Ricardo, hindi niya akalaing madadamay siya sa kaso at hahantong siya sa kulungan.

“I was shocked because I didn’t… I wasn’t aware na umabot sa may warrants ako. I had heard na may mga scam daw but ‘di ko alam na sinama nila ako,” aniya.

Iginiit ng aktor an endorser lamang siya ng mga produkto ng kumpanya. “I am not connected at all sa company. Even sa business registration, my name is not there. Wala ako sa running business, anything of the company. Ano, model lang ako about the products,” paliwanag niya.

Bukod sa 23 counts of syndicated estafa, may isa pang warrant of arrest si Ricardo dahil sa bouncing check case at may three counts of violation pa ng RA No. 8799, or Securities Regulation Code.

Tiwala naman daw ang aktor na mapapawalang-sala siya sa mga akusasyon laban sa kanya. “‘Yung ano ko lang is the time. The wasted time that I can’t do anything. I cannot work because I’m here trying to prove my innocence,” pahayag ni Ricardo.

Sharon niresbakan ang basher ng anak

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang isang basher na inakusahan siyang pinagkukumpara niya ang kanyang mga anak.

Sa recent Instagram post kasi ni Shawie ay ipinakita niya ang sulat sa kanyang anak na si KC Concepcion noong bata pa ito. Sa caption ay sinabi niyang mahal na mahal niya ang eldest daughter at nami-miss niya ito.

Sa comment section ay may isang netizen na sumagot ng “then stop comparing ng mga anak mo.”

Hindi nakapagpigil si Sharon at niresbakan ang basher.

“For the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip - KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO. Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong.

“Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.

“Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi tagpi o ginagawa,” ang pagtataray ni Mega.

In fairness ay mas marami namang positive than negative reactions sa post ni Shawie at marami ring naka-relate na mommy sa kanyang pinagdadaanan.

vuukle comment

RICARDO CEPEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with