^

Pang Movies

Papa ni Barbie, dinidiskubre ng fans!

Salve V. Asis - Pang-masa
Papa ni Barbie, dinidiskubre ng fans!
Barbie

MANILA, Philippines —Sa Palawan nag-celebrate ng birthday si Barbie Imperial.

Wala siyang sinasabing kasama pero may ilang komento na hindi naman siya nagso-solo sa nasabing birthday vacation.

Diumano’y may jowa itong maya­mang pulitiko.

Ang sabi wala naman daw sabit ang pulitiko kaya nagtataka sila kung bakit ‘di pinapakilala ni Barbie o pino-post sa social media.

Ayon kay Arnold kabayan nabiktima raw ng mga gustong yumaman sa social media?!

May pahabol na pagtatanggol si Arnold Clavio sa kapwa niya broadcaster na si Noli de Castro na nakatikim ng matinding pang-aalipusta dahil sa maiksing komento sa TV Patrol tungkol sa kasal nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza at ang bagyong Egay a week ago.

Binalikan ni Igan ang nasabing segment kung saan nadiin ng husto si Kabayan sa pagkokomento na habang ginaganap ang magarbong kasalan, marami naman kawawa dahil niraragasa sila ng bagyong Egay.

“Si De Castro ba ay biktima ng ‘cut and paste’ o ‘splice’ na layong magkalat ng misinformation sa social media.

“Ang prosesong ito ay ang pagpili lamang ng bahagi ng kabuuang video ng isang vlogger , influencer o content creator at gawing kontrobersyal at mapanood ng maraming netizen.

“Mas maraming viewer, mas malaki ang kita .

“Pinanood ko ang buong video ng segment kung saan nagba-banter si De Castro at iba pa niyang co-anchor na sina Karen Davila, Bernadeth Sembrano at Henry Omagadiaz .

“Sa puntong binabahagi na nina Davila at Sembrano ang sarili nilang wedding experience na tahimik at pa-secret, doon na sumingit si De Castro at sinabing...

“Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo… “ .Ang tinutukoy niyang ‘KAYO’ ay ang mga kasamahan niyang anchor.

“Sa aking obserbasyon , ang pinuna ni De Castro ay ang kuwentuhang kasal nina Davila at Sembrano at hindi, inuulit ko, hindi partikular sa kasalang Atayde at Mendoza .

“Hindi ito ang mundo para sa atin na nilikha ng Poong Maykapal na dapat ay puno ng pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.

“Kung noon may ‘think before you click’ campaign ang GMA 7, makabubuting dagdagan pa natin ito ng ‘think before you share!’

“Maging responsableng netizen para magkaroon tayo ng mas mabuting kapaligiran.

“Walang Personalan.”

 Actually, iba na talaga ngayon.

Tulad din ng sistemang hindi na lumalabas ang mga ibang reporter, nasa harap na lang ng computer at pak may story na.

At marami rin ang nakakalimot sa social responsibility basta maka-upload lang at dumami ang followers.

At magtataka ka nga na kahit mayayaman na, umeeksena sa social media at nagbabayad para dumami ang followers.

Sunshine Dizon, ibubunyag ang mga pagsubok sa kanyang mental health

Ilalahad ni Pira-Pirasong Paraiso actress Sunshine Dizon ang matinding pagsubok sa kanyang mental health at kung paano niya ito nalampasan sa Tao Po kasama si Bernadette Sembrano ngayong Linggo (Agosto 6) sa Kapamilya Channel at A2Z.

 Ani Sunshine, gusto niyang maging inspirasyon ang kanyang kwento sa mga manonood na kinakaharap ang mga dinanas niyang kondisyon tulad ng Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD), major panic disorder, at social anxiety upang sila rin ay magkaroon ng lakas ng loob na humingi ng tulong at hindi mawalan ng pag-asa sa buhay. 

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with