^

Pang Movies

Mga beterano, maglalaban-laban sa Pasko

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung hindi na nga magbabago ang mga plano, mukhang magkakaroon din ng buhay ang Metro Manila Film Festival this year. Nauna nang nabalita na pasok ang pelikula ni Sharon Cuneta at Alden Richards. Gusto rin daw subukang ipasok ang isang pelikula ni Nora Aunor.

Ang sabi dahil daw sa mga inaasahang bagyo sa September, ipapasok na lang din daw sa festival ang comeback movie ni Ate Vi (Vilma Santos).

Ganyan ang festival movies noong araw. Ginastusan, nagsu-shooting pa sa abroad, at malalaki ang artista sa cast.

Isa pa, comeback ito ng partnership ng Vilma-Boyet (Christopher de Leon) na huling napanood 26 years ago.

Siyempre nang nabalita iyan, naghanda agad ang fans. Noong isang araw kausap namin ang ilang lider ng Vilmanians at nang malaman nila na posibleng sa MMFF na nga kasali si Ate Vi, nag-iba rin ang mga plano nila.

Magandang laban iyan at magkakasubukan kung sino talaga ang malakas.

Kuwento ng mag-nanay ang pelikula nina Sharon at Alden.

Madrama ang pelikula ni Nora.

Iyong pelikula nman ni Ate Vi, ang kuwento ay tungkol sa dalawang OFW at ang kanilang naging late love affair habang sila ay nagtatrabaho sa Tokyo.

Sino nga ba ang mananalo sa box office?

Danny Dolor, ililibing na

Ngayon araw ihahatid sa huling hantungan ang negosyante at art patron na si Danny Dolor. Si Danny nagkaroon din ng feature column ng kanyang movie collections sa The Philippine STAR ang sinasabing siyang may pinakamalawak na koleksyon ng litrato ng mga artista at pelikula, simula pa noong panahon nina Carmen Rosales.

Hanggang sa kanilang naging pinuno ng bayan na si Vilma Santos.

Si Danny gaya rin ng ibang mga lehitimong taga-Batangas ay deboto rin ng Our Lady Mediatrix of all Grace, at kilala siya sa pagtulong sa simbahan sa Batangas.

Natatandaan nga namin, ang kanilang arsobispo Gilbert Garcera ng Lipa, at maging ang obispo ng Imus na si Bishop Rey Evangelista na tubong Batangas din ay kanyang mga kaibigan.

Bukod doon napakarami na ring tinulungan ni Danny na makapag-aral sa seminaryo at naging mga pari.

Siya rin ay huling namuno sa Grand Marian procession na isinasagawa tuwing unang Linggo ng Disyembre sa Intramuros.

May mga inaasahan kaming mga artistang pupunta rin sa burol ni Danny aywan kung nakarating sila.

At inililibing naman si Danny, nabalitang yumao na rin ang komedyanteng si Willie Nepomuceno.

Si Willie Nep ay sumikat dahil sa kanyang impersonation ng mga naging presidente ng bansa.

Unang-una niyang ginaya ang noon ay Pangulong Ferdinand Maros Sr. kaya noon basta may announcement ang presidente sa radyo, ang biruan ay siguruhin ninyo dahil baka si Willie Nep lang iyan.

Nagaya rin niya sina FVR at Erap (Joseph Estrada).

Napakahusay na komedyante niyang si Willie Nep, at sabihin mang 75 na siya, nakakahinayang dahil marami pa sana siyang mapapatawa sa jokes niya kung hindi siya yumao agad.

Aktor at pamilya, matagal sinustentuhan ng bading

Isang guwapong aktor ang lover niya noong kanyang panahon. At hindi naman siguro siya nagkamali dahil ang relasyon nila ay tumagal nang maraming taon hanggang sa tumanda na nga sila.

Natigil lamang ang kanilang relasyon noong nailang na rin ang aktor dahil ang mga anak niya ay binata’t dalaga na at ayaw naman niyang maapektuhan ang mga iyon kung malalaman ang kanyang relasyon sa rich gay.

Ang bading naman, ibinigay sa aktor at sa kanyang pamilya ang lahat ng kaluwagan sa buhay.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with