^

Pang Movies

Lalaking personalidad, mas priority ang magpayaman kesa sa lovelife  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Usap-usapan ang isang personality na kaya raw pala nakipag-split sa kanyang girlfriend recently ay dahil sa isang gay politician.

Ok din naman ang girlfriend niya, maganda at sikat pa, mapagbigay pa dahil umaamin nga iyon na para siyang bakla sa pag-ibig, “all mine to give” ibig sabihin gumagastos siya ng sarili niyang pera para sa kanyang boyfriend.

Pero siguro ang naisip naman ng boyfriend niya, hindi siya habang panahon bata, hindi siya habang panahon ganoon kagwapo.

Ngayon kinababaliwan siya ng isang mayamang gay politician, mas malaki ang mababatak niya roon kaysa sa girlfriend niya, aba eh di gamitin na muna niya ang pagiging pogi niya para umasenso sa buhay, at pagdating ng panahon, madali naman sigurong humanap ng girlfriend na gusto niya talaga.

In the first place may reklamo rin naman siya sa girlfriend niya, masyado daw iyong hot kaya sinasabi niya: ‘Matutuyo ako diyan.’

Barbie naging fav ng Kapamilya

Nagpasalamat si Barbie Forteza kay Joshua Garcia dahil sa mga sinabi ng Kapamilya actor tungkol sa kanya.

Natanong kasi si Joshua kung sino sa tingin niya ang may pinakamagandang damit sa GMA Ball, ang agad niyang sinabi ay si Barbie na may nasa harapan daw ng upuan niya.

Lately ay magaganda ang nasasabi ng mga kapwa niya artista tungkol kay Barbie kabilang na ang Kapamilya stars.

Sinabi rin ng sexy star na si Ivana Alawi na napakabait daw ni Barbie sa kanya at sa lahat ng mga nakasama nila noon sa trabaho.

Bata pa si Barbie ganyan na siya.

Kung natatandaan ninyo, si Barbie kasama ang naging partner niyang si Joshua Dionisio ay naging mga star sa isang serye noon.

At si Joshua nga lang tumigil dahil gusto niyang bigyan ng panahon ang kanyang pag-aaral na tama naman.

Si Barbie ay inuna ang kanyang career. Pumasok siya sa distance study program at ipinagpatuloy ang kanyang career bilang artista at kahit na sikat na artista na siya noon, sinasabi ng mga estudyanteng nakakasama niya na maganda ang pakita sa kanila ng aktres.

Kaya nga kahit na minsan lang nila nakakasama iyon, dahil nga naka-distance study program, itinuring siyang isang kaibigan ng mga ka-klase niya, kasi nga magandang ang ugali niya.

Wala talaga sa physical na hitsura iyan eh kundi kung ano ang nakikita ng mga tao na totoong ugali mo.

Heart pinatunayang international ang level sa rampahan

Doon naman sa SONA, marami ang humanga sa modern Filipiniana dress na suot ni Heart Evangelista na gawa ni Michael Leyva.

Tingnan nga ninyo doon sa GMA Gala, YSL pala ang damit na suot ni Anne Curtis pero ang tingin ng iba ay mukha raw lumpia. Buti maganda si Anne.

Kung sabagay si Heart naman ay inaaasahang laging maganda ang isusuot na damit, una sanay na na siya sa ganoon eh, international model siya at hindi sa kung saan-saan, sa Paris na siyang fashion capital ng buong mundo.

Kung ikaw ba naman rumarampa ka professionally sa Paris hindi ka pa masasanay kung anong damit ng gagamitin mo sa isang okasyon?

Pinatutunayan lang ni Heart sa lahat kung ano ang kanyang talents at kung ano ang natutuhan niya bilang isang international model.

Hindi siya gaya ng ibang ang yayabang na kinukuha raw model sa abroad tapos pagdating doon hindi pala makakarampa dahil rejected ng designers.

Aba hindi mo naman masisisi ang mga designers.

Pinaghihirapan nga naman nila ang mga ginagawa nilang damit at gusto rin nilang gumawa ng pangalan para sa sarili nila, tapos ang gagawin mong modelo ng kanilang damit ay mukhang kakaning itik, aba eh sino nga ba ang matutuwa sa ganoon?

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with