^

Pang Movies

AlDub fans, kailangan nang mag-move on  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
AlDub fans, kailangan nang mag-move on             
Maine

Naganap na ang sinasabing ika-walong anibersaryo ng AlDub na siyempre ay walang pagdiriwang na naganap.

Nauna na ngang inamin ni Alden Richards na si Maine Mendoza ay naging napakalaking bahagi ng kanyang buhay na hindi naman niya maikakaila dahil simula noong magkasama sila sa Kalye Serye ng Eat Bulaga noong araw, tumaas ang kanyang popularidad.

Ngayon hindi sila ulit pwedeng magsama.

Magkaiba na sila ng network.

Nasa TV5 si Maine bilang bahagi ng E.A.T. ng TV5 habang bawal tumapak sa ibang network si Alden bilang isa sa mga pambato ng GMA 7 kung napapanood pa rin ang Eat Bulaga. 

Looking back, talagang tinalo nila lahat ng mga kalaban noon.

Kinilig ang buong bayan sa kanila ni Maine.

Ngayon ang statement na iyon ni Alden ay tiyak na nagpakilig na naman sa kanilang fans, at tiyak na hihintayin naman nila ang sagot ni Maine dun.

Na malabo nang mangyari dahil ikakasal na si Maine kay Arjo Atayde next week.

Sa Baguio magaganap ang kasalan nila habang si Alden ay hinihintay ng lahat kung kailan magkakaroon ng karelasyon.

Kaya tapusin na nila ang ilusyon sa AlDub.

Nanugod sa dressing room ni Lea, supalpal kay G

Mas lumilinaw na yata ngayon ang Lea Salonga controversies.

Kasi mismong ang producer na ng kanilang Broadway musical na si G Toengi ang nagsalita tungkol sa kanilang ipinatutupad na protocol.

Sabi ni G, hindi talaga nila pinapayagan ang sino man na basta pumasok sa dressing room ng kanilang artist, nagbigay pa siya ng instructions kung sino ang gustong magpa-picture o magpapirma sa artists, na pagkatapos ng show lumabas na sila at pumunta sa stage exit na nasa pagitan ng Broadway at 8th Street, doon mismo sa 53rd Street at doon hintayin ang mga artista. Ibig sabihin wala sila talagang pinapayagan sa loob ng dressing room, at itinanggi niya ang sinabi ng isang babae na kilala nila ang co-producer na si G kaya sila nakapasok doon.

Name dropping ang ang ginawa ng fan.

Marami na namang nag-show doon, hindi naman nangyayari ang ganyan na may mga feeling entitled na pumasok sa dreassing roon at tapos ay nagsabi pang para silang “binastos at ipinagtabuyang parang basura.”

Magagawa ba iyon sa ibang artists lalo na kung Kano?

Abuso rin kasi minsan talaga ang iba dahil sa paggamit ng social media.

Mga nambubudol sa internet, nagbebenta na rin ng mga gamot!

Marami sa social media na nagpapanggap na sila ay artista, may binabanggit pa ngang pangalan ng mga kumpanya ng pelikula o television network. Sinasabi pa ang titles ng mga pelikula na hindi naman ninyo naririnig, tapos magbebenta ng kung anu-ano sa internet.

Karaniwan ang ineendorso nila ay mga gamot na pampaganda raw para sa babae o lalaki rin.

Huwag kayong bibili riyan lalo na ang mga gamot na hindi naman inirereseta ng inyong doktor at hindi naman nabibili sa mga botika dahil walang permit ng BFAD. Papaano nilang masasabing gagaling ka kahit na doktor sila eh hindi ka naman nila nasusuri? Iyon ngang tinitingnan ka na ng doktor, nasa ospital ka na puwedeng magkamali pa, iyon pang mga doktor na nasa internet lang at nagpapayo sa pamamagitan ng video?

Ipinapaalala lang namin na labag din sa batas, sa Generics Drug Law na ang isang doktor ay mag-eendorso ng isang produktong gamot. Tapos maliwanag naman basta natanggap na ninyo ang sinasabi nilang gamot na “No Approved Therapeutic Claims” at ang sinasabing FDA approved, ay approval pala ng FDA sa China.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with