^

Pang Movies

Edu at Cherry Pie, matagal nang hiwalay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Edu at Cherry Pie, matagal nang hiwalay!
Cherry at Edu

Mula sa isang mapagkakatiwalaang source, napag-alaman namin na hiwalay na umano ang magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache pero nananatili umanong magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon.

Nung nakaraang Holy Week sa Visita Iglesia ay nagkita kami ni Pie sa simbahan ni Padre Pio along Libis in Quezon City. Doon pa lamang ay nagtaka kami kung bakit hindi niya kasama si Edu at ang kasama niya ay ang kanyang kaisa-isang anak sa dati niyang partner na si Nio Tria.

“I don’t think Doods (Edu) is the marrying kind,” pahayag ng aming source.

Si Edu ay dalawang beses nang ikinasal in the past, kina Vilma Santos-Recto at Maricel So­riano na parehong nauwi sa hiwalayan.

Joel, magpapahinga sa teleserye

Award-winning actor and successful businessman Joel Torre and his non-showbiz wife Cristina ‘Cristy’ Ascona-Torre will be celebrating their 35th anniversary as a couple sa darating na Oct. 29, 1988. May dalawa silang anak - sina Aila at Marella na parehong nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral sa Ateneo de Manila University at nakakatulong na sa kanilang lumalagong family business, ang JT’s Manukan Grille na meron nang 35 branches at kasama na rito ang franchise.

Kung gugustuhin ni Joel, puwede na siyang mag-retire sa kanyang trabaho bilang actor at mag-focus na lamang sa kanilang family business but acting will always be a part of him na kanyang sinimulan sa teatro in Bacolod since his high school days hanggang college with the late writer-director Peque Gallaga as his mentor.

It was in 1978 nang mapasama siya sa horror movie na Gumising Ka, Maruja directed by the late Lino Brocka at tinampukan nina Susan Roces, Laurice Guillen, Phillip Salvador.

Ang kauna-unahang branch ni Joel ng JT’s Manukan Grille ay matatagpuan sa kanto ng Valencia St. at Gilmore Street na hanggang ngayon ay naroon pa rin.

Inamin sa amin ni Joel ay pahinga raw muna siya sa paggawa ng teleserye after Dirty Linen sa loob ng isang taon to focus on doing movies at sa kanilang family business.

vuukle comment

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with