^

Pang Movies

Eat Bulaga, kakasuhan ang nagkakalat ng fake news!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Eat Bulaga, kakasuhan ang nagkakalat ng fake news!       

Pinabulaanan ng TAPE Inc. na hanggang katapusan ng July ang Eat Bulaga.

Kumalat ang balita na pagkatapos na makakuha ng mababang rating ang Eat Bulaga noong July 1 when It’s Showtime and E. A. T. premiered on GTV and TV5 respectively.

Pero sa latest ratings report, the viewership of Eat Bulaga has increased by at least 0.7% by July 3, and continued to increase by July 5.

Sa isang statement na galing kay Atty. Maggie Abraham Garduque, ito ang nakalagay:

“There is no reason for that. We do not contest that on July 1, mababa ang rating of Eat Bulaga because of the anticipation of people on the launch of new shows, but thereafter, makikita na tumataas na ulit ang ratings nito.

“Eat Bulaga segments are doing great, lalo na yung segment ni Yorme (Isko Moreno) and Buboy (Villar). Hey! Mr. Rider is sobrang patok na patok sa mga members ng motorcycle associations.

“Ang Eat Bulaga ay para sa tao at hanggang maraming manonood, ang tumatangkilik, patuloy ang Eat Bulaga sa pagbibigay ng saya at tulong sa mga kababayan natin.”

Ang legal team ni Garduque ay magsisimula ng imbestigasyon para malaman kung sino ang nagkakalat ng tsismis para sampahan nila ito ng kaso.

Ruru, emosyonal sa Lolong 2

Naging sentimental si Ruru Mad­rid nang balikan niya ang hit Kapuso series na Lolong at nagpahiwatig ng Book 2 ng series.

Sa kanyang Instagram, nag-share siya na ang Kapuso series ang isang programa na nagpabago sa kanyang buhay.

Sa post, nag-compile si Ruru ng mga video ng kanyang pagsugod-bahay sa ilang mga residente at ang panonood niyang kasama ang mga pamilya.

“Sa rami nang aking pinagdaanan bago at habang ginagawa namin ito. Inakala ko na hindi ko kaya ang mga pagsubok at problema, pero pinilit kong labanan at makayanan lahat ng ito, sa tulong ng Ama at lahat ng mga tao na naniniwala at sumusuporta sa akin. Hindi namin inaasahan na ganoon na­lang ang pagmamahal at suporta na ibibigay ninyo sa amin kaya ito ay naging matagumpay. Abangan ang pangalawang aklat ng Lolong,” caption ni Ruru.

Nakatakdang bumida si Ruru sa upcoming film na Video City at sa GMA Public Affairs series na The Black Rider.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with