^

Pang Movies

Babu na ba sa Family Feud? Dingdong, magiging host ng The Voice

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Babu na ba sa Family Feud? Dingdong, magiging host ng The Voice
Dingdong Dantes

Si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang napiling maging host ng international singing competition, ang The Voice Generations na first time na mapapanood sa Asia at sa GMA Network soon. Last Sunday, April 2, ipinakilala na si Dingdong sa noontime show na All Out Sundays, ng mga host nito na sina Christian Bautista at Rayver Cruz.

Si Dingdong na ang nag-announce kung paano makakasali sa singing competition: “Dito po pwedeng magsama-sama ang iba’t ibang generations na may relasyon, iyong mga tunay na relasyon, like mag-ama, magkapatid, mag-ina, na pwede silang magbuo ng duo (dalawa), group of 3 or more, from 7 years old pataas.  Pwede ring teacher and student, magka-opisina, basta mula sa iba’t ibang generation.  On-going na ngayon ang audition.”

Ayon kay Dingdong, may isa pang aabangan sa singing competition, kung sino ang magiging coaches ng mga contestant, na mangagaling din sa iba’t ibang generations.

Pero may tanong din ang mga netizens, kung magho-host daw ba ng bagong show si Dingdong, mawawala na ang on-going top-rating daily family show niyang Family Feud?

Bong, nagpasalamat

Nagpasalamat si Senator Bong Revilla, Jr.  dahil umabot na sa 85% ang kaniyang performance rating sa nagdaang Boses ng Bayan survey mula sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), isa sa nangungunang public opinion poll bodies sa bansa, na pumangalawa siya sa lahat ng Senador. “Nakakataba ng puso na nakikita at nadadama ng ating mga kababayan ang ating pagsisikap para tugunan ang kanilang mga pangangailangan, at itaguyod ang kanilang kapakanan.  Napakalaking inspirasyon ito para higit pa tayong magsikap sa ating tungkulin,” ayon pa kay Sen. Bong.

Hindi lamang ito ang mga susunod na gagawin ni Sen. Bong, marami pa siyang isusumiteng mga panukalang-batas na magbi-benefit ang iba’t ibang sector ng lipunan.

Hindi rin nagkukulang ang senador sa pagtulong sa pamamgitan ng kanyang Bayanihan Relief sa iba’t ibang bahagi ng bansa na biktima ng ka­lamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog, at mga kahalintulad na trahedya, ang pinakahuli nga ay ang naapektuhan ng Mindoro oil spill.

RMK, bumisita sa bansa

Nakiisa ang mga Kapuso stars na bumuo sa first GMA #RunningManPh, na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Angel Guardian and Lexi Gonzales, kasama si Miss World 2013 Megan Young, sa Mall of Asia Arena, nang personal na pumunta sa bansa ang mga Korean  counterparts nila para sa show nilang Running Man in Manila 2023: A Decade of Laughter na ginanap last Saturday, April 1.

Na-meet nga nila ang original cast ng Running Man Korea at nag-enjoy silang nakasama sila nang personal.

Wala pang balita sa GMA Network kung kailan ang susunod na batch ng #RunningManPh.

vuukle comment

FAMILY FEUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with