^

Pang Movies

Robin, babalikan ang serye   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Robin, babalikan ang serye          
Kylie

Ang bagong mega-serye ng GMA 7 ang siyang papalit sa magtatapos na Mga Lihim ni Urduja, kaya purpusan na ang pagtatapos ng taping nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez, at ibang members ng cast. Ipinalalabas na ang trailer ng mega-serye na punung-puno ng action.  Ilang linggong nagsanay ang mga bida ng action scenes, bago sila nagsimulang mag-taping kaya naman si Kylie, dream palang mag-guest ang amang senador, si Robin Padilla.

“Madalas na nagtatanong ako sa kanya kung ano ang dapat kong gawin sa mga eksenang gagawin namin,” sabi ni Kylie. “Kaya ang dream ko sana pumayag siyang mag-guest kahit ilang eksena lamang sa Lihim ni Urduja.”

Isko, retired na sa pulitika

Pangangatawanan na lamang daw ni former Manila mayor Isko Moreno ang pag-arte, at ayaw na niyang balikan ang pulitika, retired na raw siya bilang pulitiko, “I’m happy now, I’m enjoying my life,” at mas gusto na raw niyang makasama ang kanyang pamilya, lalo ngayon na may apo na siya sa panganay niyang si JD na isa ring actor.

Kaya magkakalaban sa aktingan ang mag-amang Isko at JD, sa dalawang pelikulang tiyak na sabay at malapit nang mag-showing.  Si Isko ang gaganap na Ninoy Aquino sa Martyr or Murderer kasama si Cesar Montano as Ferdinand Marcos, sa direksyon ni Darryl Yap.  Si JD naman ang gaganap na batang Ninoy Aquino sa Ako si Ninoy na ididirek naman ni Vince Tañada. Matuloy kaya ang showing nila before Feb. 25?

Pagkanta ni David, napansin na rin

Thankful si Kapuso actor David Licauco sa fans at viewers ng historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra, na para sa kanila ay tumatak ang role niya bilang si Fidel, na nagbigay ng malaking pagbabago sa pagiging actor niya. Laging nagti-trending ang eksena niya sa serye, kahit hindi niya kasama si Barbie Forteza, simula nang mapansin ng viewers na mahusay rin siyang actor kaya nabuo ang FiLay love team nila ni Barbie na gumaganap bilang si Klay ng Gen  Z generation.

Ang isa pang napansin kay David, mahusay pala siyang kumanta, kaya siya ang kinuha ng serye para kumanta ng theme song nila ni Klay, ang Kailangan Kita, dahil sa story ay 13 taon na siyang naghihintay kay Klay na balikan siya. Naging hit ang song sa fans and viewers ng serye. Pero thankful din siya kay Barbie, dahil sa success ng kanilang love team ay nagkaroon siya ng kanyang first endorsement, launched recently, kasama ito, ang Ishin Whitening and immune-boosting food supplement.

Nakapag-last taping day na ang cast ng Maria Clara at Ibarra last Feb. 4, pero gabi-gabi pa ring maiinit ang mga eksenang napapanood at 8 p.m. sa GMA 7 after 24 Oras.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with