^

Pang Movies

Sharon, ayaw nang isiksik ang sarili kay KC!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, ayaw nang isiksik ang sarili kay KC!
Sharon Cuneta at KC Concepcion.
STAR/ File

Ikinalungkot ng mga nagmamahal kina Sharon Cuneta at KC Concepcion ang inamin ni Sharon sa interview sa kanya ni MJ Marfori na estranged na sila ni KC. Kaya, wala tayong hihintayin na Mother’s Day greetings ni KC kay Sharon ngayong Mother’s Day.

Sa nasabi ring interview, nabanggit ni Sharon na kahit ano ang mangyari, mahal niya ang panganay, kaya tiis-tiis na lang siya.

Tanong tuloy ng fans ng mag-ina, ano na naman ang nangyari? Akala nila okay na ang mag-ina sa concert nina Sharon at Gabby Concepcion? Ano naman daw kaya ang hindi pinagkasunduan ng mag-ina?

Maaalalang nag-birthday si KC na walang birthday greetings si Sharon, pati si Kiko Pangilinan at mga kapatid ni KC sa kanya. Ang amang si Gabby Concepcion ang nakasama ni KC sa isa sa birthday party niya at mga kaibigan. Sa birthday salubong naman sa kanya, ang mga pinsan sa Pangilinan side ang kasama ni KC.

May nabanggit si Sharon na sa kanila na lang ni KC kung anuman ang nangyari sa kanila, kaya lang, nalaman ang estado nilang mag-ina dahil sa nasabing interview. Nalungkot din ang mga nakapanood sa video sa naging pahayag ni Sharon na ayaw niyang isiksik ang sarili niya sa anak.

May unsolicited advice ang isang netizen sa mag-ina na sasang-ayon ang ma­rami. Magpatawaran na lang daw sila at solusyunan kung anuman ang problema sa kanilang dalawa na paulit-ulit na lang.

May naawa naman sa kanya, being a mother, masakit daw makitang lumalayo sayo ang iyong anak. Ramdam daw ang lungkot nito nang sabihing estranged na sila ng anak at may nagpayo pa na hayaan muna si KC at darating din ang araw na magkakaayos silang mag-ina.

Sa ngayon, wala munang Mother’s Day greetings si KC kay Sharon. Malungkot nga ito para kay Sharon.

Niño, nagpaka-cool daddy!

Ang cool na daddy ni Niño Muhlach dahil kasama nila ang girlfriend ng panganay niyang si Sandro Muhlach na si Shanelle Agustin na um-attend sa birthday party ng manager niyang si Aster Amoyo na ginawa sa Viva Cafe.

Inobserbahan namin si Niño at kitang tanggap niya si Shanelle, kaya naman komportable ito na kasama siya. Narinig pa nga namin na pinayuhan niya sina Sandro at Shanelle kung paano pakibagayan ang fans dahil hindi raw sila sisikat kung hindi marunong itrato ang fans.

Ito ay noong nasa labas na sila ng Viva Cafe at hinihintay ang kanilang sasakyan. For sure, inihatid muna nila si Shanelle bago sila umuwi.

Kasama rin nila si Alonzo Muhlach na malaki na, binatilyo na siya at friends din sila ng GF ng kuya niya. Si Aster din ang manager ni Alonzo at ‘katuwa si Aster, naisip agad habang nasa party na puwedeng love team sina Alonzo at Xia Vigor. Isa-suggest daw niya kay Boss Vic (Del Rosario) na gawing love team ang dalawa.

Masaya sa birthday party ni Aster, ang daming giveaway at para kaming um-attend ng presscon. May pa-raffle pa ng maraming cash at in kinds, tower fan ang napanalunan namin, hindi kami nanalo ng cash, pero masaya pa rin kami. May giveaway na, may tower fan pa.

Happy Birthday, Aster!

vuukle comment

KC

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with