^

Pang Movies

Breakup nina Edu at Cherry Pie, malakas ang ugong?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Breakup nina Edu at Cherry Pie, malakas ang ugong?!
Edu Manzano at Cherry Pie Picache

Any day soon ay lalabas na ang unang ‘bundle of joy’ ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano na isang baby girl.

Bukod sa mag-asawa ang isa sa excited sa paglabas ni Baby Peanut (palayaw ng bata) ay ang mommy ni Luis, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil ito na ang katuparan ng matagal na niyang inaasam, ang magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano) na si Luis.

Handang-handa na ang mag-asawang Luis at Jessy to welcome their first baby sa kanilang nilipatang temporary house habang nire-renovate ang kanilang old house.

Si Baby Peanut ay magiging unang apo rin ng dad ni Luis na si Edu Manzano.

Edu has two other children na sina Addie at Enzo sa kanyang ex-girlfriend na si Rina Ramson. The veteran actor-host is currently in a relationship with veteran actress Cherry Pie Picache at mahigit isang taon na rin ang kanilang relasyon pero nababalitang split na sila.

True kaya?

Wag naman sana. Sayang ang pinagsamahan nila ‘pag nagkataon.

DonBelle, magdyowa na?!

Masayang-masaya ang mga tagahanga ng DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil mapapanood na nila ang kanilang mga idolo sa kauna-unahan nilang TV series ngayong 2023 na pinamagatang Can’t Buy Me Love.

Ang breakout loveteam ay pumutok nang husto nang kanilang gawin ang limi­ted series for iWantTFC, ang He’s Into Her na nagkaroon pa ng Season 2.

Ito’y sinundan ng kanilang first digital hit movie na Love is Color Blind and their first theatrical released movie na An Inconvenient Love which brought them to different countries para i-promote ang pelikula.

Marami ang naniniwala (including this writer) na magkasintahan na sina Donny at Belle kung pagbabasehan ang closenesss ng dalawa bagay na ikinatutuwa naman ng kanilang fans.

Ang pagputok ng tambalan nina Donny at Belle ay siya namang tuluyang pagtamlay at pagkabuwag ng LizQuen loveteam ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil na nagkani-kanya na ng direksyon.

Sumusunod naman ngayon sa kasikatan ng DonBelle ang KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

For sure, may bagong loveteam ang lulutang ngayong 2023.

The Voice Ph coaches, ‘di na ulit mabubuo

Maraming followers ng The Voice Philippines ang nanghihinayang na hindi na kumpleto ang original coach or judges ng ABS-CBN adaptation ng The Voice Philippines including The Voice Kids Philippines na muling matutunghayan this 2023.

Ang mga original coach ay sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo.

Sa original judges, tanging si Bamboo na lamang ang natitira at sasamahan siya ng Concert King na si Martin Nievera at ang Asian Soul Supreme na si KZ Tandingan para sa ika-5th season ng The Voice Kids – Philippines.

Ang The Voice Kids – Philippines Season 5 ay isa lamang sa mga bagong programang aabangan ngayong 2023.

Nariyan din ang much-awaited new action-drama series ng TV drama king na si Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo ang TV adaption sa classic hit movie ng movie king na si Fernando Poe, Jr. of same title na pinagtambalan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano in 1996.

Ang biological daughter ni FPJ na si Lovi Poe ang makakapareha ni Coco who also acts as the creative director and co-director of the new TV series along with Malu Sevilla.

Ang top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ay tuma­gal sa ere ng pitong taon at ito’y nagpaalam sa ere habang nasa peak pa ang serye at hindi hinintay na ito’y lumaylay pa.

Kung naging iconic ang papel ng yumaong si Susan Roces sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Lola Flor, isang young lola naman ang gagampanan ng award-winning actress, host and film producer na si Charo Santos sa Batang Quiapo.

Charo had a brief pero markadong guest appea­rance sa FPJ’s Ang Probinsyano bago ito nagtapos nung Aug. 12, 2022 kung saan role ng isang amazona ang kanyang ginampanan.

Tiyak na aabangan din ang Linlang TV series nina Maricel Soriano, Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman maging ang star-studded cast ng Dirty Linen na tatampukan naman nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz at Seth Fedelin. Tampok din sa nasabing serye sina Janice de Belen, John Arcilla, Joel Torre, Tessie Tomas, Chrisitian Bables, JC Santos at marami pang iba.

 

vuukle comment

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with