^

Pang Movies

Kakai, sinulit ang bakasyon sa Europe

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kakai, sinulit ang bakasyon sa Europe
Kakai

Nagbabakasyon sa Europe ngayon ang Dental Diva na si Kakai Bautista.

Lumipad patungong United Kingdom si Kakai para maging maid of honor sa kanyang kaibigang kinasal sa Birmingham. After the wedding ay sinulit ng komedyante ang pamamasyal at isa ang Paris sa kanyang pinuntahan.

Kelan lang ay nag-post siya ng isang TikTok video kung saan sumasayaw siya sa harap ng Eiffel Tower. Hindi nga nahiya si Kakai kahit na maraming tao sa paligid niya. Katuwiran niya, pare-pareho raw silang mga turista kaya walang basagan ng trip.

At sa pamamasyal ni Kakai, natiyempuhan niyang magkita sila ni Heart Evangelista na rumarampa naman sa iba’t ibang fashion shows dahil sa 2022 Paris Fashion Week.

Bukod sa UK at France, nagliwaliw rin si Kakai sa Switzerland.

Sinusulit ni Kakai ang kanyang bakasyon habang wala pa siyang bagong sisimulan na TV show. Huli siyang napanood sa GMA via First Lady.

Aubrey, sinisi ang sarili sa autism ng anak

Sinisisi ni Aubrey Miles ang kanyang sarili dahil sa naging sakit ng bunsong anak nila ni Troy Montero na si Rocket. Na-diagnose si Rocket na may Autism Spectrum Disorder or ASD.

Kuwento ni Aubrey na noong isang taon daw niya napansin na may kakaiba raw kay Rocket. Hindi raw ito tulad ng dalawang anak niya noong lumalaki ang mga ito. “I have two kids so alam ko ‘yung development ng kids. So, with her, sabi ko parang may iba siya. She doesn’t acknowledge her name. Ayun ‘yung first. When I say ‘Rocket,’ sige, sabi ko baka naman sa two years old, she doesn’t look,” sey ni Aubrey.

Noong ipatingin nila sa doktor si Rocket, dun na raw nadiskubre na may ASD ito. Dito na raw sinisi ni Aubrey ang sarili niya: “You want to blame ‘yung sarili mo kasi as a mom, parang, ‘Ako ba ito? Ako ba ‘yan? What did I do? ‘Yung genes ba namin?’ Sabi ko, ‘Bakit? Hindi naman ako nag-diet noong time na iyon.’”

Sinabihan naman daw ng doktor si Aubrey na hindi nito kasalanan ang nangyari sa kanyang anak. Wala raw tiyak pang explanation kung bakit nagkakaroon ng autism ang isang bata.

vuukle comment

KAKAI BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with