^

Pang Movies

AiAi, balik-bayan para sa teleserye

Gorgy Rula - Pang-masa
AiAi, balik-bayan para sa teleserye

MANILA, Philippines — Nakabalik na pala ng Pilipinas si AiAi delas Alas, para gawin ang isang drama series na pagbibidahan niya.

Sa kanya ibinigay ang bagong drama series ng GMA 7 na pinamagatang Raising Mamay.

Ang pagkakaalam namin, unang inalok ito kay Pokwang, pero conflict sa schedule niya sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento kaya sinubukan nilang kausapin si AiAi kung willing ba siyang bumalik ng bansa para sa drama series na ito.

Maganda raw ang kuwento at bagay na bagay kay AiAi kaya tinanggap niya ito.

Maaaring ito ang isang ipinost niya sa kanyang Instagram account na “God is good.”

Decided na si AiAi na manirahan sa Amerika dahil sa balak niyang i-petition ang kanyang asawang si Gerald Sibayan. Pero sinasabi niya noon pa na basta may The Clash willing siyang bumalik ng bansa at kung merong magandang project na ibibigay sa kanya.

Naghahanda na siya sa lock-in taping bago matapos ang buwang ito.

Nagkaroon na sila ng story conference nung Sabado, at nakita nga naming kasama roon ang bagong launch na loveteam na sina Shayne Sava at Abdul Raman na unang napanood sa Legal Wives.

Ididirek ito ni Don Michael Perez.

Korina, proud sa katawan

Proud si Korina Sanchez sa ganda ng katawan niya ngayon, at ang dami ngang nag-react sa IG post niya. Pero hanggang one-piece lang daw muna at hindi pa niya kaya ang magpa-two piece bikini.

“This was at the time when… ‘Ay! Hindi na ako nagnu-newscast!’ I told myself, at more than 50 years old, and at the time I was trying to lose weight. I was posting my weight, how I was losing it, how I was doing my fitness program. And how I lost 15 pounds in a month.

“Ako naman, parang… to me it’s more like inspiration for everybody 40 and above that yeah, you can look… your muscles can be toned even at 55. Yes, you can… hindi ako nagtu-two piece! Wala pa akong ganung kalakas ng loob, ‘no?!

“Yung mga one piece ko, makikita mo… and you can live your best life even when you’re 75 as long as you take care of your health, you do your exercises, and yeah, if you have the body, why not show it?,” aniya.

 “Kahit naman si Michelle Obama, nagpapakita nga ng two-piece ‘yun.  Anong masama? So, I’m happy to inspire, and so far so good naman ang mga responses,” masayang pahayag ni Korina.

Kaya kailangan din daw niyang maging healthy, para sa kanyang mga anak na sina Pepe and Pilar.

“’Di ba? Nakakahiya naman sa anak ko. At saka gusto ko ring ipakita kay Mar, ‘Hoy! Pagdating mo ng singkuwenta, kailangan ganito ang itsura mo, ha?!’ Parang ganun,” dagdag niyang pahayag.

Mapapanood sa YouTube channel na Rated Korina ang mga health tips ni Korina at kung paano niya na-maintain ang toned at magandang pangangatawan.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with