^

Pang Movies

Jo, sunud-sunod ang mga kapamilyang pumanaw

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Meet the cutest CEO you will ever see.” Siya si Jo Berry, sa kanyang latest GMA drama series na Little Princess. Madalas nang mapanood ang teaser ng serye na nagpapakita kay Jo sa bago niyang role that will once again warm viewers’ hearts.

After ng dalawang drama series ni Jo na gumanap siyang nanay ng young actresses na sina Mikee Quintos at Kate Valdez, sa Onanay at adoptive mother ni Alden Richards sa The Gift, ngayon ay isa siyang heiress of a big manufacturing company. Based sa teaser, iismolin nga si Jo ng mga kasama niya sa cast, dahil nga sa kanyang size, pero panoorin ang cute transformation niya as a CEO sa serye na mapapanood na simula sa Jan. 10, sa GMA Afternoon Prime.

Pinili ni Jo na maging positibo sa buhay matapos sunud-sunod na pumanaw ang mga mahal niya sa buhay last October 2021, ang kanyang ama, brother at lolo, so she can move forward with her life. Nagpaka-busy si Jo sa lock-in taping ng Little Princess, at sinunod niya ang namayapa niyang ama na ituloy niya ang trabaho niya dahil alam nitong doon siya masaya. Nagpasalamat si Jo sa GMA sa title ng serye dahil ang namayapang ama ay ‘princess’ talaga ang tawag sa kanya.

EA, sinorpresa ng bagong bahay ang ina

Ang sipag magtrabaho ni Kapuso actor EA Guzman (Edgar Allan Guzman), movie o TV shows man, kaya pala ay pasikreto siyang nagpapatayo ng bagong bahay para sa kanyang ina at sa kanyang pamilya, at siya niyang ginawang Christmas gift sa kanila ang three-storey house. Instagram caption ni EA: “Priceless moment of my life.  This is for you! Merry Christmas Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA!”

Naka-blind fold ang mommy niya nang ibaba siya ni EA sa car, napasigaw na umiiyak ang mommy niya sa tuwa at niyakap nang mahigpit si EA. Kaya naman abut-abot ang pagbati ng kapwa Kapuso stars niya kay EA, like Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, David Licauco and other celebrities who congratulated EA on his “dream come true.” Kasama rin ni EA ang girlfriend na si Kapuso actress Shaira Diaz.

Kasalukuyang napapanood si EA sa Pepito Manaloto every Saturday at sa All-Out Sundays every Sunday sa GMA 7 and soon may sisimulan din siyang teleserye sa network.

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with