^

Pang Movies

Rabiya, noon pa gustong mag-showbiz dahil kay Dingdong

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rabiya, noon pa gustong mag-showbiz dahil kay Dingdong

Fan ni Dingdong Dantes si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, kaya isa raw si Dong sa gusto niyang makatrabaho sa GMA 7 ngayong opisyal na Kapuso na siya. “Paborito kong teleserye ni Dingdong noon ay ‘yung Sana Ay Ikaw Na Nga kung saan katambal niya si Tanya Garcia. Crush ko ‘yung character ni Dingdong doon na si Carlos Miguel. Naalala ko na wala akong nami-miss na episode ng teleserye na iyon. Doon pa lang, nangangarap na ako na kung puwede kaya akong maging artista? Kaya nakakagulat na nandito na ako ngayon sa GMA and sana may chance na makatrabaho si Dingdong Dantes,” sey ni Rabiya.

Gusto nga raw makapag-ipon agad ni Rabiya para makabili na siya ng bahay para sa kanyang pamilya sa Iloilo City. “’Yun po ang gusto kong mangyari for my family. Nakakabili na kami ng ibang mga gamit para sa bahay at ‘yung mommy ko, hindi na niya kailangang isipin pa ang maraming bagay. Sinasabi ko na mag-enjoy lang siya sa blessings na dumarating sa amin. Kaya bahay ang aim kong mabili for my family. Para may sarili na kaming pag-aari at magagawa na namin ang gusto namin kapag sarili na namin ang tinitirhan namin.”

Sa Nov. 26 na raw ang simula ng lock-in taping ni Rabiya para sa action teleserye na Agimat Ng Aguila with Senator Bong Revilla at Sanya Lopez.

AiAi, planado na ang pagsabak sa Surrogacy

Kinuwento ni AiAi delas Alas ang plano nila ng mister niyang si Gerald Sibayan na magkaroon ng anak via surrogacy. Sa Amerika na raw nila ito gagawin pagkatapos niyang mapetisyon ang mister.

Nasabi na noon ni AiAi na sa Amerika na sila maninirahan ni Gerald at babalik lang siya sa Pilipinas para sa programang The Clash. “’Yung The Clash kasi, ‘yan talaga ang parating uuwian ko in case. Kasi siyempre sa buhay natin, kagaya ni Golden (Cañedo) minsan may priority ka rin. Although babalik naman ako rito kasi ang nanay ko matanda na, so bibisitahin ko.

“Kaya lang siyempre sa totoo lang, ngayon pa lang ako talaga magiging may asawa, na ang priority ko, si Gerald. Kasi bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya rin ng kasama roon sa Amerika. Alangan nga namang nandito ako, nandoon siya. Jusko, bakit pa kami naging mag-asawa. At saka kasi, ngayon ko lang din ako mag-full blast ng green card ko.

“2015 pa kasi ang green card ko. So kung bibilangin mo noong 2020, five years na ako, dapat citizen na ako. So ngayon ko talaga siya bubunuin. Kasi ‘di ba sa­yang naman ‘yung pagkakataon, binigyan ako ni Lord ng pagkakataon magkaroon ng green card tapos sasayangin ko lang. Gagawan ko siya ng paraan ngayon,” paliwanag pa ng Comedy Queen.

Tungkol sa usapang surrogacy, open daw silang mag-asawa sa gano’ng arrangement para lang matupad ang dream nilang magkaroon ng sariling anak.

“Oo. Lahat ‘yan planado na sa mga gagawin namin sa Amerika. Prayers lang and everyday na hope na lahat ito ay magiging maganda.”

Singing couple Camila Cabello at Shawn Mendes, naka-dalawang taon bago naghiwalay

Mutual daw ang paghihiwalay ng singing couple na sina Camila Cabello at Shawn Mendes.

Two years din ang inabot ng relasyon nila at kinaaliwan ng maraming netizen ang very public display of affection nila on social media.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, pinaalam nina Cabello at Mendes ang kanilang paghihiwalay:

Huling nakitang magkasama in public sina Camila at Shawn ay noong nakaraang Halloween kung saan matching ang folklorico costumes nila bilang pagbigay pugay sa Dia De Los Muertos.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with