^

Pang Movies

Lovi, gaganap na british singer sa Hollywood Film

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lovi, gaganap na british singer sa Hollywood Film
Lovi

Agad naming ginu-Google si Alex Pettyfer nang malamang sila ni Poppy Delevingne ang mga bida sa Hollywood movie na kasama si Lovi Poe. Ayun, si Alex Pettyfer pala ang bida ng pelikulang I Am Number Four at kasama rin sa Magic Mike na pareho naming napanood.

Si Poppy naman ay socialite/model daw bago naging artista at binanggit din ni Lovi si Idris Elba na makakasama niya. Mahusay na actor si Idris Elba at lumabas sa Thor, Avengers  among other films na kanya nang nagawa.

Balita rin ni Lovi, sa October ang start ng filming nila ng The Chelsea Cowboy kung saan, isang British singer ang kanyang role. Pare-parehong English actors sina Idris Elba, Poppy Delevigne at Alex Pettyfer. Kaya, hindi na nakakagulat kung after the filming of the said movie ay may British accent na si Lovi. Saka, British din ang boyfriend niyang producer na si Monty Blencowe.

KC, 41 years old pa planong magkaanak

Pati ang pagkakaroon ng baby ni KC Concepcion, gustong pakialaman ng netizens. May post kasi si KC na “P.S. my goal within the next 5 years is to be married to a wonderful man who loves me as much as I love him, to have my own children with him, and to have my Gemology diploma and a masters in Business.”

May nag-comment na ‘di na raw magkakaanak si KC kung hihintayin pa ang five years dahil by that time, 41 years old na siya. Tinawag tuloy na rude ng followers ni KC ang nag-comment nito dahil sa panahon ngayon, kahit 45 years old na, puwede pa ring magkaanak basta healthy lang.

Meron namang nagustuhan ang goal ni KC dahil kahit rich at kaya nga mamalagi nang matagal sa Amerika, nagpupursigi pa rin sa pag-aaral at gusto nga magkaroon ng diploma sa Gemology at masters in Business.

Mayroon lang nalungkot dahil walang nabanggit na may kinaalaman sa showbiz. Parang kinalimutan na raw nito ang showbiz at focus na sa mga ginagawa niya ngayon.

Albert at Faith, lumabas na

May short teaser nang ipinalalabas ang GMA 7 sa Las Hermanas, mayroon sina Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentinto at may solo teaser si Albert Martinez. Sa teaser ni Albert, may hawak siyang red rose at may tinawag na pangalan na “Scarlet” at ito ang pangalan ng karakter ni Faith sa Afternoon Prime na malapit na ang airing, papalit sa Ang Dalawang Ikaw.

Binitin ng teaser ang Kapuso viewers dahil hindi ipinakita ang mukha ni Faith, pangalan lang nito ang binanggit ni Albert, comment tuloy ng viewers, marunong laruin ang viewers ng kung sinuman ang gumawa ng teaser. Natsitsismis kasi ngayon sina Albert at Faith.

Anyway, ang guwapo ni Albert sa teaser, hindi siya mukhang 60 years old lalo at matikas pa rin ang katawan. May rason daw si Faith na magustuhan ang aktor at dahil sa isyu sa dalawa, hinihintay na ng press people ang mediacon ng Las Hermanas para matanong sila.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with