^

Pang Movies

Rhian, sinagut-sagot ang mga blind item ni DJ Mo!

Gorgy Rula - Pang-masa
Rhian, sinagut-sagot ang mga blind item ni DJ Mo!
Rhian

MANILA, Philippines — May ilang kaibigang napakinggan ang Podcast program ng komedyante at writer na si Alex Calleja na kung saan guest nito si Mo Twister.

Hindi pa rin tumitigil si Mo, kung anu-anong kuwento na naman niya na pawang blind items ang binabanggit.

May mga shocking siyang kuwento, pero meron siyang isang nai-share na blind item na ang duda ng karamihan ay si Rhian Ramos ang tinutukoy niya.

Marami ang na-off sa ginawa ng radio personality na walang pinipiling itsismis.

Pati ang babaeng dati naman niyang minahal ay patuloy pa rin niyang sinisiraan. Ang duda tuloy namin baka iyon ang tinutukoy ni Rhian sa latest niyang tweets.

Magkakasunod ang mga ipinost niya na;“Yan tayo eh. Why is it so hard for some people to believe that the world DOES NOT revolve around them? Lahat ng nangyayari bibigyan ng kwento? Kitid.”

Ang isa pa niyang tweet; “The world revolves around you because? Tapos magre-reply sa Tweet as if hindi din naki-imbento ng chismis, huwaw talaga. Years na ang lumipas, yeeeeaaars. Ganyan pa rin kayo because?”

Ang daming nag-react sa tweet niyang iyon na supporters niyang pumapayo na huwag na lang pansinin at kalmahin na lang ang sarili.

Maja, nahirapan sa sariling kontrata

Si John Lloyd Cruz na lang ang isa sa gusto talagang isunod ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na kuning brand ambassador ng Beautederm.

Tinanong nga niya sa amin kung kanino ba siya puwedeng makipag-deal para kay Lloydie.

Meron na ngang nagsabi sa aming iha-handle na siya ng Crown Artist Management ni Maja Salvador.

Pero nang tinanong ito sa aktres sa virtual mediacon ng bagong teleserye niya sa TV5 na Niña Niño, tungkol lang daw muna sa show niya ang pag-uusapan.

Baka bandang mid of April ay magtatawag daw siya ng mga kaibigang press para ipakilala na ang talents na hahawakan ng Crown.

Pero aminado ang aktres na medyo nahirapan daw siya sa pagsisimula ng kanyang talent management. “Ang hirap,” bulalas niya nang kinumusta namin kung mahirap bang mina-manage na siya ngayon ng Crown Artist Management.

Pero bahagi pa rin daw siya sa decision-making lalo na sa kanyang career. “Pagda­ting po sa akin, lahat kami ay nag-uusap. My handler… on the directors and executives, nag-uusap-usap kaming lahat.

“Kasi mahirap kung ako lang ang magdedesisyon dahil nung nasa Star Magic pa ako, nung kay Tita Chit (Ramos) pa ako, sila ‘yung nag-uusap about, like ‘yung mga kontrata ‘di po ba?

“Siyempre po may idea po ako, pero mas maganda kung may mga taong nakapaligid sa akin na tutulong talaga at mas nakaka­alam talaga,” saad pa ni Maja na talagang pursigido sa bagong career bilang talent manager.

vuukle comment

MO TWISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with