^

Pang Movies

Kylie at Aljur, nagkasundo na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kylie at Aljur, nagkasundo na
Kylie

Natuwa ang mga nakakita sa bagong post ni Kylie Padilla na suot ang kanyang wedding ring. Paniwala ng netizens, okay na sina Kylie at asawang si Aljur Abrenica at wish nilang sa susunod, ang photo na i-post ni Kylie, magkasama na sila ni Aljur at ang dalawa nilang mga anak.

Paglipat ng netizens sa Instagram ni Aljur, may naka-post ng photo ni Kylie at may caption na “Many faces of the Queen #internationalwomensday.” Ramdam ang saya ng fans ng mag-asawa sa mga nabasang positive comments at ‘yung hindi nag-comment, heart emojis ang pinost.

May mga nagpasalamat pa nga na ayos na sina Kylie at Aljur at nagpahayag ng saya na makita ang larawan ni Kylie sa IG ni Aljur. Sa mga litrato ni Kylie, suot nito ang kanyang wedding ring.

Breakup nina Devon at Kiko, parang istorya ni Kristoffer

Naka-set na sa private ang Instagram account ni Devon Seron kahapon. Noong Tuesday, disabled pa lang ang comment box ng IG nito. Ito’y pagkatapos niyang mag-post ng cryptic post na “The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Sa comment ng netizens, malalamang may problema sina Devon at boyfriend na si Kiko Estrada at baka nga break na ang dalawa. Ang rason daw ay nagkagusto sa ibang girl si Kiko at nagkadebelopan sila sa lock-in taping.

Sumali sa isyu ang kapatid ni Devon at nag-cryptic post din at kung babasahin ang posts nito, may makukuhang clue kung sino ang babaeng third party kina Devon at Kiko. Si Devon pa raw mismo ang nakahuli kina Kiko at kung sino man ang girlash na ito.

Maaalalang a few months ago, nabalitang break na ang dalawa, pero fake news pala dahil sila pa rin that time. Pero, ngayon, mukhang totohanan na ang break-up issue at ang dinidiskubre na lang ay kung sino ang girl na naging cause ng breakup nina Kiko at Devon.

Kamakailan lang, nabalitang naghiwalay sina Kristoffer Martin at non-showbiz GF nito at ina ng kanyang anak dahil na-in love si Kristoffer kay Liezel Lopez na kasama niya sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Babawiin Ko Ang Lahat. Sa lock-in taping din nagkadebelopan.

Powerpuff Girls, gagawan ng live-action series ng GMA

Pagkatapos pala ng Voltes V: Legacy, ang Po­werpuff Girls naman ang gagawan ng GMA 7 ng live-action series. Abangan natin kung sino ang mapipili ng management na gumanap sa mga character at role nina Blossom, Bubbles at Buttercup.

Matinding audition tiyak ang mangyayari bago mapili ang mga gaganap sa three characters. Gaya ng nangyari sa paghahanap ng network sa mga karakter na magbibida sa Voltes V: Legacy, ang dami ring nag-audition, pero nang i-announce ang choices walang nagreklamo. Kung may mga reklamo man, mema lang ang iba, may masabi lang baga.

Siguradong ngayon pa lang, naghahanda na ang mga Kapuso aktres na gustong mag-audition para sa cast ng Powerpuff Girls.

 

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with