^

Pang Movies

Gladys, mag-uumpisa uli sa zero

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kawawa naman si Gladys Guevarra, Salve, kung totoo na hiwalay na sila ng boyfriend niya tapos itinakbo pa ang ipon nila at kinita sa small business na kanilang itinayo.

Sad dahil ngayon pa naman na hindi gaanong busy si Gladys sa trabaho sa showbiz nangyari ito at kung kelan pa maganda ang kita ng kanyang food business niya.

Well, dapat talaga maingat sa mga ganitong partnership, dapat ‘yung respeto nila sa bawat isa ma-maintain para hindi umabot sa ganito ang mga pangyayari.

Dapat maging doble tatag si Gladys dahil mag-uumpisa na naman siya from scratch at aayusin ang lahat na may kinalaman sa business na nagulo nga dahil sa paghihiwalay nila.

Tatag lang Gladys. 

Kim Soo Hyun, malalim ang star power

Naaalala mo ba, Salve, na noong nasa Korea tayo nina Ian Fariñas at Isah Red, ‘yung guide natin ay maka-Kim Soo Hyun?

Panahon iyon na hot na hot si Song Joong-ki pero mas gusto ni tourist guide si Kim Soo Hyun.

That time, highest paid actor and endorser si Kim, pumasok ng military at ngayong bumalik na sa showbiz ay siya pa rin ang highest paid actor.

Bongga ha.

Ang tagal niyang hawak ang korona, at hindi siya natalo ng kahit sino, to think na tahimik siya at hindi gaanong kaingay tulad nina Song Joong-ki at Hyun Bin.

Meron siyang star power na very stable. At mukha siyang mabait in person dahil nang makita natin siya sa Okada Hotel sa presscon ng Samsung parang ang bait-bait niya kahit pa nga hindi pala siya ganoon ka-hunky in person dahil medyo slim, lean at hindi katangkaran.

 Hanga ako sa stability niya bilang star, mukhang ‘yung charisma niya ay malalim ang dating sa kanyang fans.

Saka actually ‘yung Love from the Stars ang nag-umpisa ng interest ko sa Korean drama, at si Kim Soo Hyun ang bida roon ha. 

vuukle comment

GLADYS GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with