^

Pang Movies

Ces Drilon, naghahanap ng co-host

Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniimbitahan ng beteranong broadcast journalist na si Ces Drilon ang mga Kumunetizen para maging maswerteng co-host ng programa niyang Bawal Ma-Stress Drilon sa FYE (For Your Entertainment) Channel sa Kumu app ngayong Lunes (Agostot 10), 9:30 p.m., kasama ang espesyal na bisita niyang si Maymay Entrata..

Mapapanood si Ces sa virtual program na ini-istream nang live sa Kumu sa loob ng isa’t kalahating oras habang nakikipag-usap siya sa iba’t ibang personalidad, gaya na lang ni Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno na pinakahuli niyang panauhin.

Ang FYE Channel ay ang pinakabagong handog ng subsidiary ng ABS-CBN na Creative Programs Inc. bilang paraan para mas malakas ang virtual connection nito sa mga manonood sa pamamagitan ng online streaming sa Kumu.

Mayroong mga eksklusibong palabas na tumatalakay sa iba’t ibang usapin gaya ng beauty, pop culture, entertainment, lifestyle, at music.

Para sa mga gustong matupad ang pangarap nilang makapag-host nang live sa Bawal Ma-Stress Drilon, kailangan lang sundin ang ilang hakbang. Ang una, i-download ang Kumu app at pangalawa ay i-follow ang @fyechannel. Pagkatapos, kailangang mag-live at kolektahin ang mga customized ‘Stress Drilon’ virtual gifts mula sa mga manonood hanggang sa 11:59 p.m. ng Sabado (Agosto 8). 

Ang streamer na makakakuha ng pinakamaraming Stress Drilon’ virtual gifts ang idedeklarang co-host na sasamahan sina Ces at Maymay sa livestream ng Bawal Ma-Stress Drilon sa Lunes (Agosto 10). Abangan ang anunsyo ng nanalo sa app at Instagram page ng Kumu sa Linggo (Agosto 9).

vuukle comment

CES DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with