^

Pang Movies

Mga singer na walang career bago nag-ECQ, nakakapag-on line concert na ngayon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga singer na walang career bago nag-ECQ, nakakapag-on line concert na ngayon

Napag-usapan na rin lang ang kantahan. Marami ang nagsasabi na ang expanded community quarantine ay nakapagbigay ng pag-asa sa mga singer na hindi na makapag-concert dahil hindi sila nakakapuno ng venue.

Isa sa pinaka-malaking gastos ng isang concert producer ay ang venue, at minsan napakahirap pa ng schedule.  Iyong mga singer na dati ay sikat, hindi na rin makapasok sa mga dati nilang concert venue dahil papaano nga naman kung hindi na nila iyon mapupuno? Nakakahiya pa.

Dahil sa enhanced quarantine, nauso na ngayon ang tinatawag nilang “on line concerts”. Nagpe-perform sila on line na lamang. “Kumikita diumano” sa pamamagitan ng mga natatanggap nilang donations. Malalaman mo rin kung maraming nanonood, pero madali ang solusyon kung kaunti man sila, dahil may mga troll na maraming account sa social media na maaari nilang gamitin.

Ngayon, sinasabi nga nila, kahit na ang mga singer na “laon na,” nakakapag-concert pa.

Imelda Papin panay ang salag sa pagsali sa ‘Iisang Dagat’ ng China

Panay salag ang ginagawa ngayon ni Vice Governor Imelda Papin ng Camarines Sur matapos banatan ng mga tao dahil lamang kasama niya ang ilang Chinese artists na kumanta noong Iisang Dagat, isang kanta na inilabas sa isang music video na sinasabi ng marami na propaganda ng China.

Ang tema ng kanta ay ang pagkakasundo at pagtutulungan ng Pilipinas at China lalo na sa panahong ito ng Covid19 pandemic. Ang nasabing kanta ay umani na rin ng daang libong dislikes, at mahigit na dalawandaang likes lamang mula sa netizens.

Ang paliwanag naman ni Imelda, siya ay isang singer lamang. Kinausap siya ng Chinese embassy para maging isa sa kakanta ng komposisyong iyon ng kanilang ambassador sa Pilipinas. Pinakinggan niya ang kanta at nagandahan naman siya, kaya siya pumayag na kumanta rin ng bahagi noon. Ipinaliwanag niyang nang kantahin niya iyon, wala ang pulitika sa kanyang isipan. Kinanta niya ang awiting iyon bilang isang artist. Pero iyon nga ang masakit, dahil sa sentimiyento ngayon ng karamihan sa mga tao kontra sa China, pati siya ay nadadamay.

May katuwiran naman si Imelda. Sa panahong ito, isipin muna natin kung papaano magtutulungan ang lahat, at saka na iyang pagtatalu-talo pagkatapos ng problema.

vuukle comment

EXPANDED COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with