^

Pang Movies

Bagets na dumagsa sa MET, napabilib sa Bata, Bata

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bagets na dumagsa sa MET, napabilib sa Bata, Bata
Vilma Santos

Natawa na lang kami sa narinig namin nang dumating kami sa Metropolitan Theater noong Linggo para sa pagpapalabas ng restored version ng pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa at ang talk back session na pinangunahan ng Star for all Seasons na si Vilma Santos at Direk Chito Roño.

Sabi nila, “isipin mo si Vilma lang pala ang makakapuno ng MET ulit.” Iyon pala hindi pa napupuno nang ganoon ang MET simula nang magbukas ito matapos isagawa ang restoration.

Hindi na naman bago iyon kay Ate Vi. Sampung taong sa Met ginagawa ang show niyang Vilma at isang pagbabalik-alaala ang kanyang muling pagpapalabas doon ng kanyang pelikula.

Maalalang may pagkakataon noon na kailangang maglagay ng malalaking monitors sa labas ng Met para kahit papaano makapanood naman iyong mga hindi na makapasok.

Anyway, napansin naming marami sa mga nanood sa Met nung Linggo ay mga kabataan na ni hindi pa siguro ipinapanganak nang unang ipalabas sa sinehan ang pelikula at sila man ay namangha na may maganda palang pelikulang Pilipino na ganun.

Pumapalakpak sila sa mga eksena, nagtayuan sila at pumalakpak nang matapos ang pelikula.

Tama si Direk Chito Roño na nagsabing ang problema ng pelikula natin sa ngayon ay paliit na iyon nang paliit.

Sa halip na gumawa ng mga malalaking pelikula kagaya noong araw, ngayon puro maliliit na pelikula, puro indie ang ginagawa.

Kasi ito ang panahong maraming mga baguhang director na payag na sa maliit na budget ng pelikula.

Bukod dun hindi kilala ang mga artista at natural dahil mga baguhan hindi pa mahusay.

Tulad ng mga director na hindi pa marunong gumawa ng pelikula kaya payag kahit na barya lang ang bayad makagawa lang ng pelikula, na nalulugi naman dahil ayaw nang tanggapin ng mga sinehan.

Para mabuhay ang industriya ng pelikula, kaila­ngang kumikita iyon, at para kumita iyon kailangang gumawang muli ng malalaki at magagandang pelikula.

At dapat mai-promote din iyon nang tama para makumbinsi ang mga taong panoorin iyon.

Mahirap na rin namang bitiwan sa panahong ito ang 400 piso para manood lang ng isang pelikulang walang kuwenta.

Tama rin si Ate Vi na kailangan may katuturan ang kuwento ng pelikula.

Ganun ang proseso na kailangan pero may sumusunod ba? Lahat nagtitipid pero gustong kumita ng malaki.

Barbie at Jak, naka-seven years na

Isipin ninyo, pitong taon na palang magsyota sina Barbie Forteza at Jak Roberto at hanggang ngayon ang feeling sabi ni Barbie ay “kagaya pa rin noong una nating ‘ramen’ date.”

At inamin ni Barbie na lahat ng hinahanap niya ay nakita na niya kay Jak at ang ginawa ni Jak ay higit pa sa inaasahan at ipinangako niya sa pamilya ni Barbie.

Sa ending ng kanyang post, sinabi ni Barbie na “Mahal na mahal kita.”

Pelikula ni Shaina, Ipinalabas Din sa Cannes

Itinampok din pala ang isang short film na ginawa ni Shaina Magdayao sa Cannes Filmfest noong isang araw.

Pinapurihan din ng mga kritiko ang kahusayan ng aktres.

Isipin ninyo, pati pelikula ni Shaina naipalabas sa Cannes, eh ano ang ipinagyayabang ng isang grupo na akala mo napakalaking bagay iyong ipapalabas sa Cannes ang pelikula nila na hanggang ngayon naman yata ay hindi makaalis patungong Cannes dahil hindi pa nakakapag-solicit nang pamasahe at panggastos doon.

Kailangan daw kasi sa business class ang ticket, kailangang may kasamang nurse, may supply ng oxygen at kung anu-ano pa.

Na problema ba naman ng bayan kung wala siyang pamasahe?

Unfair naman dahil maraming artistang Pilipino na nasa Cannes ngayon na hindi naman nag-solicit ng pamasahe at panggastos. Bakit hindi nila ipasagot ang gastos sa organizers?

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with