^

Pang Movies

Isah Red award isinusulong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Isah Red award isinusulong

Yung award na Darling of the Press ang isa sa awards na cute sa akin, Salve. Actually, parang best actor/actress na ang award na iyon dahil patunay na appreciatived ang showbiz writers sa pagtulong at pagmamahal mo sa kanila.

Kaya nga dapat piling-pili ang nananalo nito, dahil very important ang meaning nito. Yung pagbabalik-pagmamahal sa isang tao na naging very supportive sa mga ipinaglalaban mo at pinaniniwalaan mo.

Dahil very close ang puso ko sa SPEED na mula umpisa ay nakita mo ang growth as a group, gusto ko, na sa rami ng pinag­daanan nilang pagsubok mula umpisa, hanggang ngayon na matatag na ang kanilang EDDYS Awards sana bilang pagpupugay sa founding member nila na si Isah Red ay magkaroon sila ng award na parang best friend of SPEED, yung mga tumulong, naging gabay nila, naging supportive sa start nila as a group. At sana nga maging panuntunan nila ang exclu­sivity sa grupo nila, not by numbers, but quality. At in honor of Isah, magbigay sila ng award sa solid supporters nila. Kung meron Joe Quirino, Manny Pichel award, bakit hindi isang Isah Red award di ba?

Rich Asian friends, nakakaalala pa rin kahit sobrang busy

Naku, Salve ha, nagkaroon ako ng konting anxiety dahil ang daming nag-text sa akin at kinukumusta ako. Akala ko tuloy baka merong fake news na kumakalat tungkol sa akin hahaha.

Nag-text sa akin sila Mama Susan Co, Alice Eduardo, Dra. Vicki Belo, Kris Aquino, Bong Revilla, lahat. Kumusta raw ba ako, kung okay ba ang lagay ko. Naalarma tuloy ako noh, bakit sabay-sabay nila ako naisip? Pero now, I appreciate much yung concern at love nila.

Imagine mo, rich Asian friends na talagang very busy sa kanilang schedules magawa kang isingit para i-text at itanong ang lagay mo? Wow, feeling ko very important person ako bigla, very well loved kaya nga na-appreciate ko talaga.

Salamat po, hindi ko forget na nasa isip n’yo ako at concern kayo sa lagay ko. Love you po.

Rhian at Carla matindi ang sabunutan

Tutok na tutok ang Kapuso viewers sa mas umiinit na mga eksena sa GMA primetime series na Love of my Life, lalo na at hindi nawawala ang tensyon sa pagitan ng karakter nina Carla Abellana at Rhian Ramos.

Sa nakaraang episode, ipinakita ang sabunutan scene nilang dalawa na may kasama pang palitan ng masasakit na salita. Ramdam na ramdam ng netizens ang galit ni Adelle (Carla) nang sigawan niya si Kelly (Rhian) ng “Matuto kang lumugar! Ex ka lang!”

Dahil sa pagsasabong nilang dalawa, may nabuo tuloy na Team Adelle at Team Kelly sa Twitter. Kani-kaniyang komento at kampi ang fans ng show.

Marami ang sumisimpatya kay Kelly pero mas marami ang panig kay Adelle dahil sa pagiging legal wife nito.

Patuloy lang na subaybayan ang nakakapanabik na episodes ng Love of my Life gabi-gabi sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ISAH RED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with