^

Pang Movies

Direk Erik nag-enjoy kahit walang signal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Direk Erik nag-enjoy kahit walang signal
Direk Erik

Kahit malayo, walang signal sa lugar ng shooting location ng Food Lore: Island of Dreams, sa Misamis Occidental, nag-enjoy pa rin ang bumuo ng cast nito na sina Angeli Bayani, Yul Servo, Ina Feleo at director Erik Matti.

Ayon kay Direk Erik, hindi nila nasunod ang schedule nila ng shoot dahil sa weather at kung minsan nga wala silang makuhang signal, pero wala silang reklamo. Si Cong. Yul nga, puwede raw silang magpabalik-balik ng loction nila, kahit wala siyang talent fee dahil na-enjoy niya talaga ang shoot at ang pagkain sa lugar na naiiba ang luto.

Isang brand new HBO Asia Original Anthology Drama series, ang magpapalabas ng eight-episode hour-long series na tatalakay sa human conditions tungkol sa bawat bansa sa Asia, inspired by Asian cuisines. Mapapanood ito exclusive sa HBO Go at HBO.

Magkakaroon ng debut ang Food Lore: Island of Dreams sa Sunday, November 3 at 10pm. Tatalakay ito sa buhay ni Nieves na sa kagustuhang magkaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya, iiwanan niya ang asawa at mga anak nila para magtrabahong kasambahay sa Maynila. Bumalik siya sa bayan nila para sa taunang fiesta sa kanilang lugar. Doon mari-realize ni Nieves na naging malayo na sa kanya ang pamilya niya at hindi nila appreciated ang kanyang pagbalik. Magkakaroon din siya ng hindi inaasahang matutuklasan sa kanyang pamilya.

Si Angeli is Nieves, Yul is her husband and Ina is her sister.

Bago ang airing sa HBO Go at HBO sa November 3, ang Food Lore: Island of Dreams ay magkakaroon muna ng world debut sa 2019 Tokyo International Film Festival (TIFF) sa Thursday, October 31.

Ang iba pang episodes na ipalalabas every Sunday, 10:00pm sa HBO Go at HBO, ay magmumula sa ibang Asian countries like Vietnam, Indonesia, India, Thailand, Singapore, Japan at Malaysia.

Bagong Miss Millennial kinoronahan

Nagkaiyakan sa tuwa sina Miss Millennial Cebu 2018 Shaila Mae Rebortera nang isalin niya ang crown niya sa bagong Miss Millennial 2019 na taga-Cebu rin, si Nicole Borromeo. Bago iyon ay tumanggap din ng special prize si Nicole bilang Miss Philippine Airlines at tumanggap siya ng round-trip ticket for two sa alinmang domestic destination.

Bilang Miss Millennial 2019, tumanggap din si Nicole ng P500K, house and lot from Lessandra, Suzuki Ciaz GLX car at ang Miss Millennial crown. May additional prize pa siyang 4 round trip tickets for any domestic destination.

Gabi ng Lagim ng KMJS 

Mamayang gabi, pagkatapos ng The Clash, huwag kalimutan ang Gabi ng Lagim VII: Kapuso Mo Jessica Soho Halloween Special. Sa loob nga ng pitong taon, hindi nagsasawa si Ms. Jessica Soho na magbigay ng mga episodes na pang-Undas para sa mga mahihilig manood ng mga kuwento ng katatakutan. Four stories ang ipalalabas na dinirek ng mga mahuhusay na director, supported ng mga photos at videos.

vuukle comment

ERIK MATTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with