^

Pang Movies

Maine nahirapan sa heavy scenes

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine nahirapan sa heavy scenes
Maine Mendoza, Carlo Aquino

Magkasamang humarap sa media ang bagong magkatambal na sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para sa launch ng first movie nila, ang Isa Pa With Feelings na co-production venture ng BlackSheep­ at APT Entertainment sa direksyon ni Prime Cruz.

Mabilis nilang sinagot ang tanong ng media sa launch na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience Theater sa Trinoma Cinema, kung may pressure ba sa kanila na ang susundan nilang movie ay ang top grossing film nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema?

“Wala po namang pressure dahil wala pa naman kaming napapatunayan ni Carlo,” sagot ni Maine. “Gusto po lamang naming mapasaya ang mga manonood.”

“Basta ang masasabi namin ni Maine, kung maganda ang movie nila, maganda rin ang movie namin at pinaghirapan din naming gawin iyon,”  dagdag ni Carlo.

Inamin ni Maine na nahirapan siyang gawin ang heavy scenes niya sa movie, tulad nang napapanood sa full-trailer na umiiyak siya sa harap ni Carlo na gumaganap na isang deaf and mute.

“Nasanay po kasi ako sa comedy, kaya nang gawin ko ang eksenang iyon na dapat kong ibigay ang nararamdaman ko, nahirapan po talaga ako. Hindi tulad ni Carlo, ang husay niya, mata-mata acting lang, kayang-kaya niya. Pero nagpapasalamat po ako kay Carlo dahil talagang inalalayan niya ako sa pag-arte ko ng mga eksena ko.”

“But Maine is very professional. Alam niya ang ginagawa niya. Mahirap po para sa aming dalawa ang mga role namin. Ako kahit gusto kong magsalita, hindi ako puwedeng magsalita. Kaya after ng bawat scene, tinatanong ko si Direk Prime kung tama ang ginawa ko. Si Maine, hindi siya pumapayag na hindi niya ma-perfect ang ginawa niya. Utang po namin sa deaf teachers sa set ang bawat ginawa namin,” ani naman ni Carlo.

Tanong kay Direk Prime, ano ba unang nabuo, ang story o ang team-up? Una raw niyang naisip ang concept ng story nang minsang nanood siya sa Trinoma at nakita niyang may grupo pala ng millennials na nag-uusap sa sign language. Pagkatapos saka nila naisip na kunin sa role ng deaf and mute na si Gali (Carlo), na alam niyang kayang mag-deliver ng role kahit walang dialogue, sa mata-mata lang. Napili naman nila si Maine as Mara, dahil nakita nilang may chemistry sila ni Carlo, very honest din ni Maine nang tanggapin ang role at pumayag na magkaroon sila ng familiarity workshop ni Carlo, to break the ice.

Kumusta naman silang dalawa nang magsimula na silang mag-shooting?

“Si Maine, tahimik lamang, akala ko nga mahihirapan akong kaibiganin siya, pero nang tumagal-tagal, magulo rin pala siya,” kuwento ni Carlo.

“Crush ko si Carlo nang very slight, nang mapanood ko ang movie nila ni Bela Padilla. Pero paglabas ko ng theatre, wala na iyong crush. Pero sabi ko sa sarili ko, sana minsan ay makatambal ko siya sa isang project at natupad naman ngayon, kaya thankful po ako sa management ko na pinayagan nila akong gumawa ng movie na iba ang katambal ko,” ani Maine.

Ang Isa Pa With Feelings ay mapapanood in cinemas nationwide simula sa Wednesday, October 16.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with