^

Pang Movies

Bantayog ni Andres malinis na uli!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malinis na malinis na ang Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall dahil napaalis na ang mga illegal vendor at ang homeless people na ginawang tahanan ang bantayog ni Andres Bonifacio.

Wish ko lang, huwag nang bumalik at makabalik sa Bonifacio Shrine ang mga tao na walang disiplina at walang pagpapahalaga sa kalinisan ng lungsod.

Magtagumpay sana si Mayor Isko Moreno sa kampanya nito na malinis ang Maynila pero mangyayari lamang ito kung makikiisa at magpapakita ng disiplina ang mga Manileño at ang lahat ng mga nagpupunta sa siyudad na pinamumunuan niya.

Pagpapasuso ang inaasikaso

Marian malabong maging leading lady ni Dingdong

Palaisipan sa fans kung si Jennylyn Mercado pa rin ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Descendants of The Sun dahil hindi nababanggit ang kanyang pangalan sa lumalabas na official releases at hindi pa siya nakikita sa activities ng cast.

May mga suggestion naman na si Marian Rivera ang gawin na leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun.

Imposible na mangyari ang pangarap ng fans ng mag-asawa dahil sa ngayon, ang pag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy ang priority ni Marian.

Kung may tiyak na babalikan agad si Marian, ito ay ang Sunday PinaSaya dahil once a week lamang ang programa kaya walang conflict sa mga responsibilidad niya bilang asawa ni Dingdong at nanay nina Zia at Ziggy.

Malapit na ang 35th birthday ni Marian. Malay natin, baka itaon niya ang pagbabalik sa Sunday PinaSaya sa kanyang kaarawan sa August 12.

Kim pinaligaya ang birthday ni Xian

Siyempre, hindi puwedeng mawala si Kim Chiu sa 30th birthday celebration ng kanyang boyfriend na si Xian Lim sa isang restaurant sa Greenhills.

Masayang-masaya si Xian dahil present sa kanyang birthday celebration ang mga kaibigan at ang mga tao na malalapit sa puso niya.

Memorable kay Xian ang 30th birthday nito dahil natupad ang dream niya na maging direktor. Siya ang sumulat ng kuwento at direktor ng Tabon, ang indie movie na isa sa mga official entry sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Happy rin si Xian dahil pinupuri ang performance niya sa upcoming movie nila ni Cristine Reyes, ang Untrue.

vuukle comment

BONIFACIO SHRINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with