^

Pang Movies

Marian inaabangan ang pasabog sa Father’s Day

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian inaabangan ang pasabog sa Father�s Day

Bida ang mga tatay ngayong araw na ito sa selebrasyon ng Father’s Day.

Para kay Dingdong Dantes, simple ang gusto niyang selebrasyon kasama si Marian (Rivera) at mga anak na sina Zia at Baby Ziggy. Kumbaga, walang bonggang selebrasyon o di kaya’y bakasyon grande sa beach.

“Daily routine at chill lang paggising sa umaga,” saad ni Dong sa huling interview niya sa press.

Of course, knowing Yan Yan, may pasabog ‘yan sa mahal na asawa kahit nasa bahay lang sila, huh!

Kaya ‘yung may mga tatay pa, mahalin ninyong mabuti ang inyong mga ama habang kapiling niyo pa. Happy Father’s Day sa lahat ng tatay na paboritong basahin ang PM!

Enchong nagpahayag ng galit sa China

Matapang si Enchong Dee sa pagpapahayag ng sentimiyento niya sa mga kababayan nating mangingisda na nakabangga ang umano’y Chinese vessel sa karagatang sakop ng ating bansa.

“Ang liit ng tingin satin ng ibang bansa mas maliit pa yan pag hinayaan nating manahimik para sa mangingisda natin laban sa mga bully,” tweet ni Enchong na walang pinangangalanang bansa o tao.

Matatandaang naging matapang din si Enchong sa pagbatikos sa ilang senatoriables nu’ng nakaraang eleksyon, huh!

Robi nag-sorry sa ‘pagmumura’

Galit na galit ang TV host na si Robi Domingo nang malaman niyang nagpapadala ng rude messages ang poser niyang may user name na @iamrobidomingo.

Humingi tuloy si Robi ng apology sa nakatanggap ng massages mula sa poser niya. “I have seen some of the rude messages that account sent to people. Let this be a lesson not only to verify an account but also to respect others. #KarmaWillGetYou,” bahagi ng tweet ni Robi.

 

vuukle comment

DANTES FAMILY

FATHERS DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with