^

Pang Movies

Mga aso nina Korina at Mar nagseselos kina Pepe and Pilar

STARTALK - Lolit Solis - Philstar.com
Mga aso nina Korina at Mar nagseselos kina Pepe and Pilar
Pepe at Pilar

Ang gandang tingnan nina Korina Sanchez at Mar Roxas na karga-karga ang kanilang mga anak na sina Pepe at Pilar.

Kitang-kita ang pagmamahal nila sa mga bata at dahil dog lover ako, talagang nag-enjoy ako sa mga dog na labas-masok sa bahay nina Mar at Korina.

Bongga ang iba’t ibang klase ng dogs na love na love ng Mama Veana Fores ko. Very protective ang mga dog sa mga baby nina Korina at Mar dahil hindi sila umaalis sa lugar na kinaroroonan nina Pepe at Pilar.

Love ko ang dogs nina Mar at Korina pero mas love ko sina Pepe and Pilar at siyempre, si Chuck Gomez. Mga loyal pet ang mga aso dahil parang mga tao rin sila. Sa totoo lang, mas loyal pa nga ang mga aso kesa sa mga tao.

At dahil parang mga tao rin ang mga dog, seloso rin sila at ito ang napansin ni Korina nang iuwi nila ni Mar sa kanilang bahay sa Cubao sina Pepe at Pilar.

Naging matampuhin ang mga dog na biglang naging mga kulang sa pansin dahil na-feel nila ang full attention kina Pepe at Pilar ng kanilang mga bossing.

Nang mapansin ni Korina ang nagbago na behaviour ng pet dogs nila, nag-extra effort siya sa pag-aalaga at pagpansin sa mga nagselos na aso. Kung paano niya alagaan sina Pepe at Pilar, ganoon din ang care na kanyang ibinigay sa mga aso na bumalik sa normal ang ugali.

I’m sure, na-feel ng mga aso nina Mar at Korina na hindi sila dapat maki­pag-compete kina Pepe at Pilar dahil parang kapatid na rin nila ang kambal. Ang kaibahan lang, aso sila.

Ang cute talaga ng doggies nina Mar at Korina dahil mababait sila at hindi tumatahol. Sanay na sanay sila na humarap sa maraming tao.

At take note, alkaline water ang kanilang iniinom kaya na-insecure ako dahil tinalbugan ako ng mga sosyal na dogs. Feeling mga Araneta rin sila.

Herbert ipinasa kay Hero ang pagbo-blowout

Dati-rati, si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nagbibigay ng birthday treat sa entertainment press na nagdiriwang ng mga kaarawan mula January hanggang December.

Last term na ni Herbert bilang mayor ng Que­zon City at pahinga muna siya sa public service para i-enjoy ang kanyang pagiging ama at ang private life niya.

Ipinasa muna ni Herbert sa kanyang kapatid na si Hero ang birthday blow out para sa entertainment press.

Re-electionist si Hero bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City at siyempre, ipinangangampanya rin ni Herbert ang kanyang kandidatura.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with