^

Pang Movies

Jeremy ayaw makisawsaw sa isyu ng ex na preggy

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jeremy ayaw makisawsaw sa isyu ng ex na preggy
Jeremy Marquez

Ayaw mag-comment ni Jeremy Marquez sa hindi pagkakatuloy ng kasal nila ni Gwen Zamora na preggy na ngayon kay David Semerad. Mas focused ito sa kanyang kandidatura sa pagka-vice mayor ng Parañaque, same position noong 1992 to 1995 ng kanyang amang si Joey Marquez na nag-mayor din ng isang termino in 1995 to 1998 sa siyudad ng Parañaque.

Nang matapos ang termino ni Jeremy sa pagka-Barangay Captain ng Brgy. BF Homes (Parañaque) ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng BS in Business Administration major in Human Resource Management. Balak din niyang ipagpatuloy ang kanyang masteral course either sa Ateneo de Manila University o sa University of the Philippines.

Ang recent graduation diploma ni Jeremy ay kanyang dedicated sa kanyang inang si Francesa Siron.

Si Jeremy ay may mga half-siblings sa father side (Joey Marquez) at kasama na rito sina Winwyn, Jowee Ann, Charles Yeoj, Vittorio, Zia at Maria Maal Vanessa Marquez. Si Jowee Ann na anak ni Joey sa dating aktres na si Brenda del Rio ay isa nang ganap na abogada.

Alden tahimik sa love life

Mukhang tanggap na ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na may kani-kanyang direksyon na ang respective career ng dalawa at tila malabo pa sa ngayon na magkaroon ng joint project ang dalawa including a new movie.

Kung tutuusin, mas gumanda ang takbo ng career ngayon ni Alden magmula nang ito’y mag-solo.

Binulaga ni Alden ang fans nila ni Maine nang i-anunsyo ang unang tambalan nila ni Kathryn Bernardo under Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye na pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina at sa Hong Kong pa ito kinunan.

Maganda rin ang takbo ng dalawang restaurant business ni Alden, ang Concha’s Garden Café in Tagaytay at Quezon City gayundin ang kanyang bagong bukas na sariling franchise ng McDonald’s na matatagpuan sa Biñan highway in Laguna na malamang daw na magkaroon ng panibagong branch sa isang taon.

Kung si Maine ay bukas na ang relasyon sa nobyo nitong si Arjo Atayde, hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Alden pagdating sa kanyang lovelife.

vuukle comment

JEREMY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with