^

Pang Movies

Jo Berry hindi pa rin alam ang mangyayari sa ending ng Onanay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jo Berry hindi pa rin alam ang mangyayari sa ending ng Onanay
Jo & Wendell

Simula na ngayong Monday, March 11, ng finale week ng top-rating primetime series na Onanay kaya naman ang bida nitong si Jo Berry as Onay, ay nakakaramdam na ng separation anxiety sa mga kasama niya sa cast. Lalong hindi raw niya makakalimutan ang character niyang si Onay.

“Labis-labis po ang pasasalamat ko, hindi ko po ma-compose ang tamang pa­raan ng pasasalamat sa GMA Network sa opportunity na ibinigay nila sa akin, at sa lahat po ng mga kasama ko rito at sa mga taong sumusubaybay sa amin gabi-gabi,” sabi ni Jo. “Ang ganda po kasi ng character ni Onay dito bilang isang nanay, na ang love ay very powerful, hindi nasusukat sa gender, height, o estado sa buhay. 

“Marami rin po akong fear sa buhay na na-overcome ko rito. Like iyong fear ko sa water, nanlalamig talaga ako doon sa inilublob ako ni Ms. Cherie (Gil) sa pool at gusto niya akong i-choke, grabe po ang alalay niya sa akin dahil nararamdaman niyang nanginginig ako.

“Iyon ding eksenang ikinulong ako sa kahon at gustong patayin, sinuportahan po ako ng cameraman at mga kasama sa set, pinaramdama nilang naroon lamang sila, kung natatakot ako, kumatok lamang ako.”

Natanong namin si Jo kung ano ang gusto niyang ending ng Onanay.

Nasa climax na kasi ang story dahil nalaman na ni Maila (Mikee Quintos) na si Lucas (Wendell Ramos) ang nang-rape sa ina niyang si Onay at siya ang bunga ng rape na iyon.

“Actually hati po ang gusto kong finale. Minahal na po kasi ni Onay si Lucas at gusto naman niyang lumigaya. Hindi na mababago ang kasalanang ginawa ni Lucas, na hindi naman niya ginusto dahil under the influence siya ng alcohol and drugs. Ibang tao ang may kagagawan kaya nangyari iyon.

“Pero nandoon pa rin iyong isang malaking kasalanan ang rape. Sa totoo po, hindi pa namin alam kung ano talaga ang magiging finale, wala po kaming script at kapag may taping lamang kami saka namin makikita at pag-aaralan ang script. Sa Wednesday, March 13 pa po ang last taping day namin.”

Napapanood ang Onanay gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia.

Gabby natupad ang wish kay Jennylyn

Matagal-tagal ding nagbakasyon si Gabby Concepcion after ng Ika-6 Utos sa paggawa ng teleserye, pero hindi sa shows niya here and abroad.

Kaya na-excite siya nang ipatawag na sila for a story conference at look test para sa bagong romantic-comedy series, ang Love You Two. For the first time kasi, matutupad na ang wish niyang makatambal si Jennylyn Mercado. Pero may ka-love triangle sila ni Jen (Raffy), si Shaira Diaz (Sam), sister ni Jen, sino kaya ang pipiliin ng ‘the one’ na si Jake (Gabby)?

Todo rom-com ang series dahil makakasama nila sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Mata at Kiray Celis.  Ang Love You Two ay idinidirek ni Irene Villamor.

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with