^

Pang Movies

Dra. Vicki nahirapan sa slow-mo twirl at lava walk ni Catriona!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kabilang si Dra. Vicki Belo sa celebrities na sinubukang gayahin ang signature slow-mo twirl at lava walk ni Miss Universe 2018 Catriona Gray after Jessica Soho na ipinalabas last Sunday sa kanyang programa ang paggaya sa bumentang lakad ng a­ting kakabayan.

 

Na-realize ng celebrity doctor na hindi madali ang ginawa ni Catriona kaya naman sa kanyang Instagram, inilabas niya ang kanyang naramdaman kasama ang video ng pagsubok sa ginawa ni Catriona.

“Ang hirap pala ng pinagdaanan mo. Buti na lang I’m the doctor of beauty and not a beauty queen,” caption ni Dr. Belo.

Asawa ni AiAi nakalabas na sa pagiging piloto

Sobrang proud ni AiAi de las Alas sa darling niyang si Gerald Sibayan nang magkaroon ng cameo role sa Kapuso hit series na Onanay.

Pumapel na isang piloto si Gerald sakay sina Cherie Gil at Kate Valdez at ipinalabas ang guesting ng asawa ni Ai kagabi.

Inilabas ng Comedy Queen sa kanyang Instagram ng episode kung saan may dayalog pa ang kanyang darling niya. Kasama ni Gerald sa plane ang aviation Instructor niya sa pagiging piloto si Capt. Louie Concha.

Sa Subic nag-aaral ng pagiging piloto si Gerald simula pa noong August 2018.

Dennis at Jennylyn pinu-push din sa Descendants…!

Hindi lang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang naghahangad na magbida sa Pinoy version ng Korean drama na Descendants of the Sun na gagawin ng Kapuso this year.

Matindi rin ang sigaw ng fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na silang dalawa ang gawing bida ng GMA. Inilabas nga nila ang picture ng mga idolo na gaya sa isang eksena sa DOTS para ipara­ting sa network na swak sina Dennis at Jen sa character ng mga bida.

Sa ngayon, may ginagawa pang Cain at Abel si Dennis habang si Jen ay si Gabby Concepcion naman ang leading man sa coming series.

Eh si Alden, napanood na ang DOTS at may drama rin ‘yon na gusto niyang gawin sa next project. Kung papayag si Maine na gawin ang series, aba, magandang comeback project ito ng phenomenal loveteam, huh!

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with