^

Pang Movies

Condo na nasa report ng PDEA inamin... Maricel, sinagot-sagot si Sen. Bato!

Salve V. Asis - Pang-masa
Condo na nasa report ng PDEA inamin... Maricel, sinagot-sagot si Sen. Bato!
Maricel

MANILA, Philippines — Number 1 trending kahapon si Diamond Star na si Maricel Soriano dahil sa kanyang pagdalo sa Senate hearing matapos masangkot ang pangalan sa diumano’y kumalat na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operational documents.

Makikitang walang kaba ang actress sa kanyang pagharap sa senate hearing na hindi pa rin ma-comprehend ng ibang fans kung ba’t kailangang ipatawag pa ang actress samantalang pwede namang lawyer na lang ang sumagot sa mga tanong ni Sen. Ronald Bato.

Saka parang throwback na raw ang kontrobersyang ‘yun.

Sa nasabing hearing ay inamin nga ni Marya na meron siyang condominium unit sa Makati City.

Ang nasabing condo unit ay nauugnay sa umano’y aktibidad ng ilegal na droga mahigit isang dekada na ang nakararaan.

At binanggit ng isa sa mga umano’y nag-leak na dokumento na isang grupo ng mga showbiz at maya­yamang perso­nalidad ang “madalas na gu­magamit ng ilegal na droga sa loob ng Unit 4-C Rizal Tower Building, Rockwell Makati City.”

Gayunpaman, sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, binanggit ng chairman nitong si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang ibang condo unit number, 46-C, nang tanungin niya Marya kung pagmamay-ari niya ito.

Doon sumagot ang aktres ng oo ngunit idinag­dag na naibenta na niya ito noong 2012.

“Sa’yo ‘yun?” tanong ni Sen. Bato.

“Opo. Hanggang 2012 po. Nabenta ko na ho ‘yun. Wala na ako roon,” sagot pa ng actress kahapon sa senado.

 Sinabi ni Sen. Bato na noong taon ding iyon (2012) ang umano’y nag-leak na pre-operation report at authority to operate na inilabas diumano ng PDEA.

Kaya’t hiniling niya sa aktres na ibigay ang eksaktong buwan na ibinenta niya ang ari-arian.  “Hindi po ako sigurado sa month, pero ‘yung year naalala ko,” sagot pa ulit ng aktres na noong panahon na ‘yun ay ‘diumano’y may boyfriend si Maricel non-showbiz.

 Anyway, sa nasabi ring pagdinig, inungkat din ng senador ang reklamo noong 2011 laban sa aktres ng kanyang dalawang dating kasambahay.

Sa pagbanggit sa mga balita, sinabi ng senador na umalis umano ang mga nagrereklamo sa condo unit ng aktres “dahil sa paggamit umano nito ng cocaine.”

 “Hindi po totoo ‘yan,”

Pero kinumpirma niyang umalis ang dalawang kasambahay dahil may mga ninakaw diumano ito.

“Totoo na binubugbog mo sila?” sundot na tanong ni Sen. Bato.

“Paano ko naman po bubugbugin, dalawa sila,” bwelta kaagad ni Marya.

Nababawan naman ang netizens sa ginawang pag-iimbestiga kay Marya ng senado.

Kumbaga, throwback na nga raw ang ganitong kontrobersya kay Maricel dahil years ago nang maisyuhan ang actress tungkol sa bawal na gamot.

Ba’t daw kailangang buhayin pa.

Running Man, na-surreal sa Showtime

Surreal pa rin para sa grupo ng Running Man Philippines Season 2 ang guesting nila kamakailan sa  It’s Showtime.

Ito ay kahit umeere na ang programang pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, atbp. sa GMA 7.

Kwento ni Glaiza de Castro sa katatapos na mediacon Running Man PH 2, “Parang nagkita kami uli and we’re promoting Running Man. Tapos parang nakita rin nila na parang ang saya lang din and then we are thankful na we were able to promote our show there. Kasi naka-GMA jackets kami, ito ‘yung suot namin kanina, eh. So, parang ang surreal din mapanood na may mga taong naka-GMA du’n sa isang ABS na parang kinagisnan nila na show, ‘di ba?

“Ayun nga, parang ang daming possibilities na pwedeng mangyari like kung magkakaroon ng Season 3, why not, ‘di ba?

“Crossover is not impossible na sa ngayon, ‘di ba? And katulad ng sinabi ko rin kanina, ganun din naman po ‘yung ginagawa rin namin outside soap operas kapag nagkikita kami sa gatherings o sa parties or sa celebrations or sa mga ibang pelikula, nagkikita’t nagkikita pa rin naman kami. And it’s also nice to know that they are watching our show, that they’re also interested na makapag-guest din dito and same din sa amin. So, parang ang saya lang na ang daming posibilidad sa ngayon.”

 Sa May 11 at 12 mag-uumpisang mapanood ang ikalawang season ng globally successful a reality game show sa GMA, 7:15 p.m. (Saturdays) at 7:50 p.m. (Sundays).

 Bukod kay Glaiza, retained ang iba pang runners na sina Mikael Daez, Angel Guardian (season 1 Ultimate Runner), Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Buboy Villar kasama ang bagong recruit na si Miguel Tanfelix.

 Maglalaban-laban sila sa 12 races at misyon na kinunan sa iba’t ibang lugar sa Korea during the winter season.

 Challenge man ang lamig, kinarir pa rin ng grupo ang kompetisyon sa tulong ng pagle-layer ng mga damit at heat packs sa loob ng 43 days.

 Marami ngang dapat abangan sa bagong season, tulad ng guest appearance ng Korean superstars na sina Sandara Park, Nancy McDonie (ng dating Momoland) at Haha (ng Running Man Korea).

May special participation din this season ang original runner na si Ruru Madrid.

 Ang Running Man Philippines ay kolaborasyon ng GMA Network at SBS (Seoul Broadcasting System).

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with