^

Pang Movies

Super Radyo DZBB, may tatlong bagong programa!

Pang-masa

MANILA, Philippines — May tatlong bagong handog ang Super Radyo DZBB.

Tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas tres hanggang alas kwatro ng hapon, samahan ang Senior Radio Correspondent na si Rowena Salvacion sa bagong public service program ng DZBB na Serbisyo On the Spot (S.O.S).

Layunin ng S.O.S. na makatulong sa mga ordinaryong Pilipino na mailapit ang kanilang panawagan o hinaing sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at gaba­yan sila sa pag-asikaso ng mga government-issued documents gaya ng birth certificate, marriage certificate, at passport. Itatampok din sa programa ang mga balitang magbibigay ng inspirasyon gaya ng mga simpleng pagtulong sa kapwa.

Samantala, maririnig na rin sa DZBB ang dalawang kilalang FM disc jocks ng Barangay LS 97.1 na sina Mama Emma at Papa Marky tuwing alas dose ng hatinggabi hanggang alas tres ng umaga.

Sasamahan ng ‘Hugot Queen’ na si Mama Emma ang late night callers upang magbigay ng payo sa kanilang mga problema sa pag-ibig, trabaho o pamilya tuwing Martes hanggang Biyernes sa Mama Emma sa Dobol B.

Tuwing Sabado at Linggo naman, pakinggan ang mga nakaka-inspire na kwento sa Buhay-Buhay kasama ang PPOP Awards Pop Radio Jock of the Year at ‘Life Coach’ na si Papa Marky. Tampok dito ang mga istorya ng callers na siguradong magpapatawa, magpapaiyak at magpapakita ng iba’t ibang pananaw sa buhay.

vuukle comment

SUPER RADYO DZBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with