^

Pang Movies

Mikoy magagamit na ang pinag-aralan!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Mikoy magagamit na ang pinag-aralan!
Mikoy Morales

Hindi ligtas si Mikoy Morales sa pagkakaroon ng December blues kaya naman idinaan na lang niya ito sa paggawa ng sarili niyang playlist sa Spotify habang ini-enjoy ang sarap ng dagat sa La Union kung saan siya nagbakasyon.

Mabuti na lang nagagamit pa rin ni Mikoy ang talent niya pagdating sa music.

Appreciated ng kanyang fans ang collaborative playlists na kanyang ginawa kung saan naka-link sa kanyang Instagram.

Music din ang isa sa pagtutuunan ni Mikoy sa pagpasok ng Bagong Taon. Kaila sa marami na isang magaling na song writer ang actor ng GMA-7 dahil sa kurso nitong may koneksyon sa music.

Target ni Mikoy na magamit ang mga isinusulat niyang kanta bilang theme songs ng GMA-7 series in the future. Mahilig din siyang sumulat ng mga script na balang araw ay puwede rin niyang magamit. For the mean time, ini-enjoy muna ni Mikoy ang kanyang gigs. Kung magagawa raw niyang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta ay welcome niyang gagawin sa pagpasok ng taon.

Maraming blessings si Mikoy na gusto niyang ipagpasalamat sa taong 2018, lalo na sa Kapuso Network na nagbigay sa kanya ng mga project at nagtiwala sa kanya, ganundin sa kanyang fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

 Mas ganado si Mikoy sa 2019 dahil nagpaplano na siyang maging producer ng sariling projects na naiisip.

vuukle comment

MIKOY MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with