^

Pang Movies

Tnt boy na si Francis ginagaya si Regine

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Aminado si Francis Concepcion mula sa TNT Boys na kapag walang nakatingin sa kanya ay lumalantak siya ng cake, umiinom ng malamig na tubig, at softdrinks kahit na pinagbabawal sa kanya. ‘Di raw kasi niya maalis ito dahil natatakam siya.

 

Na-miss na rin niya ang gumala sa labas ng kanilang bahay. Mababaw lang ang happiness ni Francis, ang mamasyal sa mall kapag merong mga ganap sa lugar nila sa San Antonio, Cavite.

Sobra kung magkulitan ang TNT boys na ito kung saan kinabibilangan din nina Kiefer Sanchez at Mackie Empuerto na kasama rin niya sa grupong tinawag na Bigshot Trio pagkatapos nilang magpasiklab sa UK version ng Little Big Shots. Nagpa-impressed ang tatlo sa kantang Listen ni Beyonce.

Kahit busy sa kanyang singing career, tuloy pa rin sa pag-aaral si Francis na nagho-home study.

Kahit Sunday ay naisisingit nito ang mag-aral, mayroon siyang tutor na tumututok sa kanyang studies. Favorite subjects niya ang Filipino, English, at Science.

Pangarap ni Francis ang maging doktor balang araw para makatulong sa mga taong may sakit.

Hindi niya ginagalaw ang pera niyang nakatago lang sa bangko. Nag-iipon siya ng pera para makabili sila ng sariling bahay at kotse ng kanyang pamilya.

Paborito naman niyang singer sina Ariana Grande at Zayn Malik ng One Direction. Ginagaya niya ang style ng vocalization ni Regine Velasquez na kapag nagsu-swimming ay abot hanggang leeg ang tubig saka siya bumibirit.

vuukle comment

FRANCIS CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with