^

Pang Movies

Bing pinag-iingat si Diego!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bing pinag-iingat si Diego!
Bing

Aware ang aktres na si Bing Loyzaga sa issues ng kanyang pamangkin na si Diego Loyzaga.

Kaya may pagkakataon na napagsasabihan niya ito na minsan ay mag-ingat sa mga pinu-post nito sa social media accounts niya at minsan ay iwasan nito na sagutin ang kanyang bashers.

“There is not much I can do but to just talk to him. I always tell him na ingatan niya ang image niya kasi he’s in showbiz. And ‘yung mga pino-post niya on social media at ang pagsagot niya, it will reflect on his character.

“Pero sa totoo lang, mabait si Diego. He’s a respectful young man. Medyo misunderstood lang. Yung mga pino-post niya kasi, minsan hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin. Nabibigyan lang ng ma­ling interpretation ng ibang netizens,” sey ni Bing.

Naging kontrobersyal din si Bing noong nagsisimula itong mag-artista at naintriga na rin ito ng ilang beses. Pero dahil wala pang social media noon, nagagawang maitago ang lahat.

“Kasi malalaman na lang ng mga tao na may ganito akong issue kapag nabasa na nila sa magazine or sa tabloids.

“Hindi mo makikita sa isang video na tumatalak ako, ‘di ba? Hanggang sa mga sinusulat lang ng mga reporter.

“Very careful kami noon. Unlike now, may mga pino-post na videos na nakakalokah, ‘di ba?

“Iba na kasi ang kabataan ngayon. Masyado silang obsessed sa social media at sila mismo ang nabibiktima ng mga post nila!” tawa pa ni Bing.

Anyway, after nine years ay nagbalik Kapuso si Bing via Kapag Nahati Ang Puso kung saan kasama niya sina Bea Binene, Benjamin Alves, Zoren Legaspi at Sunshine Cruz.

“My last teleserye here in GMA 7 was way back in 2009 pa. Paano Ba Ang Mangarap with Jennylyn Mercado and Mark Herras.

“Akala ko nga when they offered me this teleserye, mabait ang character ko na nanay. Pero hindi, eh. May bed scene agad tapos mas bruha ako rito! Yung mga unang taping days ko, nanlilisik ang mga mata ko kay Bea!” malakas na tawa ni Bing.

Abangan daw ang mga bangayan nila ni Sunshine dahil bongga raw ang mga eksenang ito.

“May warning nga ako sa mga kaeksena ko. Kapag ganyang heated confrontation, I go with my emotions. Kaya ang mga kamay ko, lumilipad ‘yan anywhere at baka matamaan ko sila!” pagtapos pa ni Bing Loyzaga.

Benjamin bumenta nang magluto na nakahubad

Finally ay napakilala na ni Benjamin Alves ang kanyang girlfriend of two years na si Julie Anne San Jose sa kanyang parents noong magbakasyon ang mga ito kamakailan.

Na-vindicate nga si Benj sa mga netizens na namba-bash sa kanya na hindi raw siya seryoso kay Julie.

“I guess kapag dumating na ang pagkakataon that your girlfriend meets your parents, there’s nothing more serious than that, ‘di ba?

“Hindi ko naman kayang lokohin ang parents ko, ‘di ba?

“So natuwa naman ako na dumating ‘yung day na iyon and it was great for everybody kasi my mom and dad was able to meet Julie personally.

“Ngayon, mas madalas na mag-usap si Julie at ang mom ko. That is a very good sign,” ngiti pa ni Benj.

Sa latest role ni Benj sa teleserye na Kapag Nahati Ang Puso, kailangang ma­ging physically fit ito dahil mangilan-ngilan din ang mga shirtless scenes niya.

Nag-viral nga ang pinost ni Benj sa social media na shirtless scene niya sa teleserye habang nagluluto ito. Sa mga reactions ng netizens, mas naka-focus sila sa mga abs ni Benj kesa sa niluluto nito.

“At first medyo na-awkward ako sa scene na nagluluto ako na walang shirt. They gave me an apron. Pero kailangan daw medyo kita ang abs ko. So parang wala rin use ‘yung apron, ‘di ba? Kaya inalis ko na lang ‘yung apron and we shot the scene,” tawa ni Benj.

Hindi raw alam ni Benj kung magkakaroon sila ng bed scene ni Sunshine Cruz sa teleserye.

“I don’t know kung magkakaroon dahil brunch time ang airing nito and it all depends na rin kay Miss Sunshine kung papayag siya.

“Ako naman, okey lang sa akin. If it’s essential to the story, I wouldn’t mind doing it,” pagtapos pa ni Benjamin Alves.

Nick Jonas at Priyanka Chopra inilantad ang identical gold rings 

Wala nang pagtatanggi sa relasyon nila Nick Jonas at Priyanka Chopra dahil nakunan sila na suot ay identical gold rings sa kanilang mga daliri.

Ayon sa isang source, promise rings daw ang suot ng singer at ng Bollywood actress sa kanilang mga kanang daliri.

Unang si­nuot ng dalawa ang gold rings noong June 22 sa Mumbai, India kung saan nakilala ni Jonas ang ina ni Priyanka over dinner sa isang restaurant.

Noong nakaraang July 3, nakita ulit ang gold ring na suot ni Priyanka in New York City habang namamasyal ito. Samantalang si Nick ay nakitang suot ang singsing habang nagba-bike ride noong July 4.

vuukle comment

BING LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with