^

Pang Movies

Sharon binaliktad ni Gabby sa pinagsasabi sa interview?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon binaliktad ni Gabby sa pinagsasabi sa interview?!

Sharon Cuneta

Hindi naging maganda ang end result ng interview ni Sharon Cuneta with Korina Sanchez na umere sa Rated K last Sunday dahil ilang oras lang matapos ang airing ng programa ay may post na si Megastar sa kanyang Facebook account at sinabing may naka-misinterpret daw ng kanyang mga naging pahayag.

Ang nasabing interview ay tungkol sa love story nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion at naging emosyonal pa si Sharon nang sariwain ang nakaraan nila.

Sa umpisa ng post ni Shawie after the show ay nag-apologize muna siya sa public for being emotional sa nasabing panayam.

“I am sorry that I am emotional tonight. If there is one thing I am not, it is fake. And the things you can believe about me are that I am honest and real, still always trying to protect my children though, no matter how hard it may be.

“I don’t know if, learning over four de­cades to keep what I am truly feeling inside and letting either my laughter or the inevitable tears fall speak for me instead of saying what I wish I could, is something to celebrate or be sad about. Tao lang po. I am strong. Very strong.

“But sometimes we Wonder Women get tired too. I will pray hard tonight because that always works. Tomorrow is another day and I know it will be sunnier for me and those of you like me. God bless you and sleep tight. Thank you for loving and understanding me and my being only human after all. If you don’t, and you don’t like me, do you really think, especially at this point, that I am going to make that my problem? You know and see not even the whole tip of the iceberg. Just imagine that. I am, after all, still my Dad’s daughter.

“We keep and hide stuff like this well. I am sorry again, and thank you again with all my heart. Tomorrow will be a better day. It always is, praise God. Also, if you are thinking this is about Gabby alone, man you are so wrong.” Ang mahabang post ni Sharon.

Ang P.S. ang medyo intriguing dahil dito niya sinabing baligtad daw ang pagkaka-interpret at ang dami raw nangialam sa kabila.

“P.S. Akala ko ang ganda-ganda ng mga sinabi ko sa interview ni Korina sa akin. Aba may baligtad ang pagkaka-interpret. Nakakalungkot. Akala ko makakabuti. Hindi pala. Ang dami pang nangialam sa kabila. Nakakaloka.

“Akala ko pa naman mato-touch siya. Aba mali ang akala ko. Nakakapanghinayang! At nakakaloka.

“Miss Congeniality ang dating ko sa akala ko. Mali na naman. Bahala na si Lord. Basta alam Niya ang lahat ng gusto ko sabihin doon at galing sa puso ko. Walang masamang intensyon. Puro maganda. Natapon na naman. Pano ba dapat? Magka-amnesia ako para nganga na lang ako forever walang naaalala? Ang ayos na ginulo pa. That’s not my problem na,” ang post ni Shawie.

Syempre, hinala ng mga nakabasa, kampo ni Gabby kung hindi man si Gabby ang tinutukoy ni Shawie.

Sa nasabing panayam ni Megastar sa Rated K, isa sa naitanong kay Sharon ay kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Gabby.

Sinagot ito ni Megastar na ayaw daw niyang magkwento ng detalyado na ikapapahamak ng aktor dahil tatay ito ng anak nya.

May kwento rin si Sharon na bumabalik noon sa kanya si Gabby pero may nakilala raw ito at ito ang pinili nito.

Nag-recall din si Sharon ng ilang mga kaganapan sa buhay nila ni Gabby kabilang na kung paano nagsimula ang relasyon nila pati na ang kanilang kasal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with