^

Pang Movies

Naisip ding mag-suicide Mark Anthony nakaranas ng torture sa kulungan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

In an exclusive interview with Korina Sanchez ng Rated K na inere last Sunday, inamin ng kalalaya lang na aktor na si Mark Anthony Fernandez na minsan ay sumagi sa isip niya ang magpakamatay habang nasa loob.

“Hindi ko ma-accept ‘yung nangyari dahil talagang sabi ko, inosente po ako. Hindi po ako dapat nandito,” pahayag ni Mark.

Pinakamahirap daw sa lahat at napakalaking torture para sa kanya ay ang paghihintay ng bawat araw kung kailan siya finally makakalaya.

Naalala rin daw niya ang kanyang yumaong amang si Rudy Fernandez habang nasa kulu­ngan siya.

“Kinausap ko ‘yung papa ko, sabi ko, ‘Pa, tulungan n’yo akong makalabas dito, sabihin n’yo po kay God, makalabas ako dito’,” kwento ni Mark.

Kaya nung sabihin daw sa kanya na makakalaya na siya finally ay labis-labis ang kasiyahan niya.

“Para akong hihimatayin, sobrang naluluha ako, natutuwa rin, tears of joy,” he said.

Itinanggi naman niya ang balitang may nabuntis siyang dalawang policewoman habang nasa loob. Aniya ay nagpa-picture lang daw sa kanya ang mga pulis at nakakahiya naman daw na natsismis pa nang ganito.

Matatandaang mahigit isang taon ding nakulong si Mark dahil sa kasong marijuana possession at nakalaya siya nitong bago mag-Pasko.

Sobra ang pasasalamat niya kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films na binigyan siya ng pagkakataon ulit na makabalik sa showbiz. Kinontrata siya ng Viva Artists Agency at bibigyan ng mga proyekto.

Dasal ni Jolens na baby girl, natupad

Masayang inanunsyo kahapon ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta ang gender ng kanilang second baby na kasalukuyang ipinagbubuntis ng aktres/singer.

Sa episode ng Magandang Buhay aired yesterday, kasama ni Jolens ang mag-ama niyang sina Mark at Pele at sabay-sabay nilang pinutok ang malaking baloons na naglalaman ng little pink balloons at kasabay rin nito ang paglipad ng mga pink confetti sa paligid.

It’s a baby girl!

Kaya naman tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil one boy and one girl na ang kanilang mga anak. Noon pa ay sinasabi na ni Jolens na gusto niya naman ng babae sa pangalawang anak niya at maging si Pele ay baby sister din ang gusto.

Sa gitna ng kasiyahan nila ng mga co-host, hindi napigilang maging emosyonal ni Jolens.

“Grabe! Alam niyo gustong-gusto ko talaga i-share sa inyo mga momshie, pero talagang pinigil ko. Kaya ako emosyonal na ganito kasi sobra-sobra ang ibinigay sa aming blessing. On time ibi­nigay, at ‘yung gender, winish namin, binigay pa rin. So, sobrang thank you talaga!” ang napapaiyak pa ring sey ni Jolens.

Biro ng aktres, may magmamana na raw ng kanyang mga accessories na alam naman nating trademark niya talaga noon pa.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa raw nila kung ano ang ipapangalan nila kay baby girl.

Nasa pang-limang buwan na ng pagbubuntis si Jolens at posibleng bandang May siya manganak.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with